"That kind of feels."

135 2 2
                                    

Lunes na naman. "Bakit ba kasi lunes na naman? Inaantok pa ko e!" Sigaw ko. Wala pa namang tao e so free sumigaw.

"Ahhh! Ang laki na ng eyebags ko! Hindi na kayang takpan ng eyeliner! Enebeyeeeen!"

"Mag-absent sana lahat ng mga teachers para makatulog akooo!"

"Ma-flat sana mga gulong ng sasakyan o masasakyan nilaaa!"

"FOKKK! I need sleep!"

Haha! Madami na ba akong naisigaw? Nakapikit pako niyan ha? Syempre para mas feel!

Bigla naman akong nakarinig ng impit na tawa. Sht, may multo na ba dito?!

KYAAAAH! Maimulat nga yung mata ko.

O/////O

"K-kanina ka pa dyan?! Ba't h-hindi ka man lang umimik?!"

Hindi pala multo ang meron, kwago mga bes. KWAGO!

"Bakit? Kapag ba umimik ako, titigil ka sa kaingayan mo?" Sabi naman niya at inirapan pa ako.

Alam niyo ba kung anong nangyari sa first night duty namin together? Tss. Wala, inisnob niya lang naman ako buong gabi. Grabe mga te! TONG PEYSLAK NA TO? Iniisnob?! Hmp!
Buti nga kinausap na ako neto ngayon! Feeling pogi. Tss

PERO TOTOO NAMAN KASING POGI SIYAAA EH T^T

"At kung inaantok ka, wag ka nalang pumasok. Nandadamay ka pa ng mga walang kamuwang-muwang na gulong. Tss" dagdag pa niya. Aba't?! Ang laki ng problema sakin ng lalaking to a!

Inirapan ko nalang siya at natulog nalang muna.

----------------
"Hoy. Gising!" Gumising naman ako kaagad at nag-inat inat pa. Nag-hi lang ako kila bakla at nakinig na.

"So, let's start the quiz?" Nag-yes naman silang lahat. T-teka?!

ANONG QUIZ ANG PINAGSASABI NILA?!! O///O

"Okay please pass your test papers. Goodluck start the quiz." Pagtingin ko palang sa number one, wala na. Alam ko ng mabobokya ako. Natural lang naman 'yun diba? Huhu. Bakit hindi ko naalalang may quiz pala? T_T anong gagawin ko?!

"May kakausapin lang ako sa labas. Don't cheat!" Kahit naman lumabas ka, malayo sila suho e! Keri ko naman to pag katabi ko sila e! Pero hindi e! Ako lang ang mazezero neto! Mukha silang nag-review lahat. Shemsss! T^T

Bigla namang kinuha ni kyung yung test paper ko na wala pang laman. "Tss sige na. Tawanan mo na ako, eh sa wala akong maisagot e. Ipasa mo nalang yan. Tha----.... teka? A-anong ginagawa mo?" Sinasagutan niya kasi yung akin kasi tapos na siya. Infairness ha? Talaga nga namang nakopya niya kung paano ako mag-sulat. "Manahimik ka nalang." Sabi naman niya at tumango nalang ako. Bago pa bumalik si mam e tapos na niyang nasagutan yung akin.

Shet. May nasagot ako!

"If you're done, pass your papers and you may leave the room."

"Ipasa ko na." -kyung

Paalam niya saakin at tumango nalang ako. Pagkatapos niyang ipasa yung papers namin, lumabas na kaming dalawa. "B-bakit mo ginawa yun?" Tinignan naman niya ako ng mata sa mata. Yung ang intense? Shet matutunaw na ata ako. "Magpa-salamat ka nalang." Sabi niya lang at iniwanan na ako mag-isa.

Loving you was the most beautiful-- NIGHTMARE (CHANBAEK FANFIC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon