Good morning Saturday!
Sobrang ganda ng weather today. Kasing-ganda ko lang naman. Ehem!
It's bed weather pero sa halip na matulog ako ulit, I drag myself out of the bed dahil 'di ko naman talaga intention na gumising ng maaga. Nagising ako dahil lintik na pantog 'di niya na kayang i-hold ang ihi ko't ginising ako. Pero kahit papano ok na rin para magising ako sa nakakapagod kong panaginip.
Hoy! 'Di bastos 'yon. End of the world ang theme ng panaginip ko. Siguro alive 'yong thought na 'yon sa subconscious ko pero I wasn't really thinking about it kasi ang natatandaan ko, malaswa 'yong palabas sa PBO kagabi bago ako nakatulog. LOL
So 'yon na nga, I woke up at 9am na sobrang aga pa for a Saturday and bed weather pa. Plano ko sanang labhan ang mga white shoes ko (mga? damiiiii - Hahahaha). Pero dahil naulan, ayokong 'di maarawan ang mga 'yon. So, change of plans.
Naghilamos ako at nagising ka. Nagpapa-baby ka na naman.
"Saan ka pupunta?"
"CR. Sama ka?" 😈
"Hug muna." Ases naman talaga.
----------
Para maiwasan ang beast mode ko sa every time gutom, nagyaya kang kumain. Dahil ayokongbmapagod sa pagluluto, kahit ang totoo'y impatient lang talaga akong maghintay, sabi ko na lang na kumain tayo sa labas para makapag-pagupit na rin ako after that.
Nang akala'y mapapamura tayo sa labas, halos lagpas Php300 na naman tayo sa breakfast. Ay, past 11am na pala. Tanghalian na 'to ah! Nadaya na naman ako. 😡
Nagpagupit tayo pareho pagkatapos. Halos malapit na sa waistline level ang length ng hair ko pero napilit mo na naman ako magpa-iksi ng buhok. Hanggang collar na lang ngayon. Ewan ko sa'yo! Habang gandang-ganda tayo pareho sa mahahaba ang buhok, heto ka't kulang na lang mag-cheer sa tuwa na maiksi na buhok ko. Weird mo love! 😜
Ano bang meron sa araw na 'to that deserves na magkaron ng entry? Ang totoo niyan, wala lang naman.
Masaya lang ako na pinagbibigyan mo na naman ako, like always. After natin magpagupit kanina, sinamahan mo ako mag-ukay-ukay. Ikaw pa may hawak ng wallet at payong ko para magkaroon ako ng matinding focus sa pamimili. Tinulungan mo pa nga akong pumili. Thank you love!
Gumastos na naman ako ng halos Php500 sa walong (8) tops. Pero alam kong natutuwa ka't hindi ako high-maintenance. Well you should be! I'm not a bil-mo-ko girl kaya. 😜
Tapos nilinis ko pa 'yong fridge na wala namang kasalanan sa'yo. LOL
And now, excited na ang tiyan ko sa naaamoy kong baked tuna. Favorite ko 'yan eh parang ikaw.
Thank you! 😘
BINABASA MO ANG
I Love You because... [GxG]
Non-FictionIt's not known to everyone how we love each other. And, it's not always everyday that I get to let you know how much I appreciate and love you. Well, I guess, through here, I'm going to let them know how I really feel for you. One day, when you are...