Our 14th Year (04.13.2020)

52 1 0
                                    

I Love You because...

...I choose to.

Happy 14th anniversay to us! 💕

The years we spent together (with no breaks in between) only proved how LOVE conquered all and won everytime. At first, with all the "kilig" and butterflies in our (maliit pa then) tummies, everything seemed so easy. Parang kahit ano kakayanin. We weren't moved nor shaken. Literal, we seemed to have our own world. But, the ride, our ride, was never easy, topsy-turvy para "soshal". 🤣

Let's look back. (Bare with me as despite being good at bringing everything up from the past when we fight, my memories fail me. You know, we're aging. 😅)

2006
We were 16 then.

The adventure began here...well, not really. 2005, nanlalandi ka na eh. 🤣 I wouldn't go into details about who fell in love first or how it all started. I would just share some stories about us each year including the ugly ones like kung paanong halos kakaumpisa pa lang, hindi na naging madali for us.

8 months into our relationship, dahil hindi pa uso ang smart phones with lock screens (I feel so old. 😅), nahuli na tayo agad. 🤣 Kaya binawi ang cellphone kong Nokia 3315 (Ito 'yong prang iPhone 5 dati.). Halos isang taon din 'yon. Pinahiram mo'ko ng phone, nahuli rin which caused your coming-out moment to be so forced and stolen from you kasi Mama ko ang nagsabi sa Nanay mo. I knew that broke your heart. Pero, patuloy pa rin tayo.

'Pag manonood ng sine dapat may interval. Hanggang kanto mo lang ako pwede ihatid. Magpapasabay kang mag-dinner pero kakain ulit ako sa bahay para 'di sila magduda. Kaya ako tumaba eh. Umabot pa sa point na hatid-sundo pa ako kung kailan nag-college. Muntik pa akong tumigil sa pag-aaral. Pinag-retreat at pinag-pray over sa church (halos every Sunday) or magsusurprise visit sila sa bahay. Grabeng torture 'yon. Daig ko pa ang criminal sa kung paano nila bantayan ang bawat kilos ko.

The struggle extended hanggang 2007 (until now, actually). Ang dates natin patago. Minsan nagtataka pa ako na nalalaman nila Mama. Nakakapraning kung sinong dapat pagkatiwalaan around us. May eksena pang sumugod si Papa sa school. Umaambon pa that time. It was just like a movie, sabi nga sa kanta.

Tapos, parang may spy pa tayo kasi alam ng parents ko na 'pag bibigyan mo ako ng bouquet of flowers or kahit anong gifts, ibabalik ko rin sa'yo at the end of the day kasi 'di ko pwedeng i-uwi sa bahay. Para tayong mga tanga.
🤣

Ipinatawag pa tayo isang beses sa Guidance Office. Yes, it was, unfortunately, an offense to fall in love. Char! Gets ko naman. Sa Christian school tayo nag-aaral eh.

Sinunog pa 'yong mga naabutan nilang binigay mo sa'kin sa bahay nung isang beses na nagsurprise visit sila. Parang drug raid na natunugan ko kaya naalis ko 'yong mga matitibay na ebidensiya - the love letters, photos, and some gifts. Pero nagtira ako ng mga bouquet wrappers and some irrelevant papers which they burned to ashes. Pinapatake down and delete rin lahat ng photos natin sa Friendster (Yes, 'di pa sikat ang Facebook.). 😅

Pinaghihiwalay tayo. Pero, parang showbiz, may papress-release pa tayong hiwalay na pero ganun pa rin. Patuloy pa rin but hiding. Ang hirap. Living sa puder nila, I always walk on eggshells. Naks! Pero, simula naman nung bata pa ako ganun naman na sila, hawak ako sa leeg.

2008
Psychiatric Nursing in Davao
First time nating na-feel ang freedom. 3 weeks away from home (for me, at least) and you visited every weekend. Effort. Gastos. Pero, ang saya. Kaya sabi ko kailangang maka-graduate tayo on time and pumasa sa board exam para lalayo na talaga tayo for good.

Kaya naman best in review tayo ng 2009. Pero, mas best in gala, gimik, and card games. Parang mga hayop na matagal nakakulong at nakawala sa hawla. Nag-start tayong mag-live-in sa isang boarding house. Ang simple lang ng buhay dati. Naging bestfriend natin ang breakfast meals ng Jollibee kaya umay na umay na tayo ngayon pati na rin ang pa-buy-1-take-1 pizza ng Picobello na hanggang ngayon eh kino-consider pa rin nating best pizza (next to S&R).

I Love You because... [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon