April 19, 2014

41 2 0
                                    

I Love You because...

Dahil parehas na kaming nagtatrabaho, wala na akong oras magsulat. Hindi po writing ang profession ko. 'Pag ako yumaman na dito baka pwede na maging career 'to.

For the last week, wala naman kami masyadong ginawa. Kami po ay naghahanap lang ng kabuhayan, nagtatrabaho somewhere here in Makati. 'Di ko na sasabihin kung saan kasi may pinagtataguan kami sa Mandaluyong baka hanapin kami rito. HAHAHA. Criminals. Kaya nga partners in crime kami. Just kidding. Wala lang. For one, 'di kami criminal. And second, amin na lang 'yon.

Well, nakapagsulat lang naman ako ngayon kasi Holy Week, mahaba-haba ang bakasyon. HAHAHA. What's new with us is incorporating gulay sa aming meal. We were never a fan of veggies. Kaya para sa matagal na samagan, gulay ang kailangan, pampahaba ng buhayh. Habang nagsusulat ako ngayon, nakikinig kami sa "You and I" ng One Direction. Sinadya niya yatang iparinig sa'kin. Para sa'kin ba 'to? Kilig lang ang peg ko. HAHAHA. Ba't ngayon ko lang narinig ang song na 'to? Nice pala ha. Hmmm, 'fi naman kasi ako fan ng One Direction. I mean, may mga song sila na gustong gusto kong kantahin gaya nung Story of My Life nila. Pero 'di 'yong tipong inaabangan ko ang new releases nila.

Going back, dahil mahaba-haba ang bakasyon, chefs kami. Luto-luto 'pag may time. Parang nagbabahayan lang. And, it just came up sa isip ko, halos 5 years na rin pala kaming living together. Kasal na lang yata ang kulang although may marriage certificate/contract naman kami na gawa no'ng marriage booth no'ng college kami. O 'di kami na ang parang wattpad story lang ang lovelife. Yes, pang wattpad talaga ang level ng story namin kaso, 'di kasi ako super descriptive na tao kaya 'di ko maidetalye sa inyo. Hayaan niyo, baka in the future pwede na.

Ang totoo, naisipan ko lang talagang magsulat para sabihing thank you kay Blue for keeping up with my bitchiness. Oh yes, I'm not a perfect girlfriend for someone to really die for. But, Blue could surely die 'pag mawawala ako sa buhay niya. :P  I'm a treasure naman kahit papano. Hoy! matindi rin kaya akong mag-love (God, ang cornu ko). I may be a bitch but surely won't ditch Blue. Mahal ko siya to death.

Sabi nang friend kong bakla (sorry sa harsh term, sige gay na lang), in the long run, companionship na lang daw magdadala sa relationship ng couple which I don't agree kasi until now, sobrang intense pa rin ng love namin sa isa't isa.

'Yon na nga lang muna baka masyado na kayong ma-inggit. HAHAHA. Feeling lang.

I Love You because... [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon