I Love You because...
Sabi ko nga sa last entry, I woke up na nagyayakapan tayo. Sweet no? And, ang ikinaganda pa, Saturday ngayon. Yay!!!
Kagabi, you were craving for pandesal for breakfast. So, bumili tayo sa tindahan, tapos nagluto ka ng egg para sa egg panwich mo. Siyempre, pinagluto mo rin ako. Matitiis mo ba namang magutom ako? Alam kong hindi kasi you know how a tiger roars when she's hungry. HAHAHA.
The usual, nag-movie marathon tayo. Nakatatlong movie tayo habang kumakain ng binili nating lunch. Tinamad magluto eh and magluluto pa ako mamaya ng paborito mo. So, after ng 3rd movie, nagluto na ako ng spaghetti (fave mo). 'Di ko alam kung bakit paborito mo ang spaghetti ko. Sabi mo nga mas masarap pa 'yong gawa ko kesa sa gawa ng nanay mo. 'Di ko alam kung nambobola ka lang pero sabi ng mga friends nating nakatikim na rin, masarap daw talaga. (hende nemen mexedo, pero, gusto niyo bang tikman? HAHAHA). Eh, kahit na tawagin niyong love-your-own 'to, kahit ako, nasasarapan rin naman sa gawa ko.
Pero, bago nga natin kinain 'yong spaghetti, nag-away pa tayo sa sauce kasi sabi mong kulang para sa pasta. HAHAHA. Ang babaw namin pero 'di naman namin pinapalaki ang mga ganyang bagay. Napag-usapan naman namin sa harsh na paraan pero nauwi naman sa ka-sweetan ulit. Parang bagong mag-jowa lang gano'n. Tapos, sabay pa kaming naligo. 'Di namin 'to laging ginagawa. 'Di ko na nga matandaan 'yong last time na nagkasabay kaming maligo. Last year pa yata, over 6 months na rin. Pero 'wag niyo naman masyadong palawakin ang inyong imagination at baka sa'n 'yan mapunta. Honestly, lalagyan ko ng censored 'pag may nangyari. Pero, naligo lang talaga kami. Okay, sige wait. Nagkiss kami, wet kiss. Malamang! Basa kami eh. Pero, smack lang po. Kayo naman! Nagmamadali nga kaming maligo eh kasi excited na kami sa spaghetti.
Habang kumakain kami, nanood ulit kami ng movie - 4th movie for the day. Gusto niya pa nga ng panglima kaso masakit na 'yong ulo ko and mag-uupdate pa nga ako dito sa Wattpad. Oo, kaagaw na niya sa oras ko ang Wattpad. Kaya mabigyan sana ng hustisya ang sakripisyong ito.
Nag-i-internet din naman siya sa oras na 'to. Naghahanap siya ng summer destination. 'Di kasi talaga kami from Manila so we've never been to Pampanga. We want to witness the balloon festival. We both want to go pero hassle and sadly, walang budget. Nakakalungkot naman. Gusto kong ma-excite pero 'di pa ngayon 'yong panahon. I'm just going to wait and see. :-(
Kanina mo pa gustong matulog, mga 2 hours ago. Pero ewan ba't bigla kang naging alive, alert, and enthusiastic. Pero, at least, sinabayan mo'ko sa binabasa kong story sa Wattpad. At dahil nahuli ka, grabe, pinagkwento mo pa ako ng bongga para maintindihan mo 'yong kwento. Worse, gusto mo pang basahin ng loud 'yong mga linya nila na kunyaring ikaw 'yong bidang lalaki tapos ako 'yong babae. HAHAHA.
At nang natapos 'yon, one long kiss at ayan humuhilik ka na! Goodnight love. I'm still updating our little love story today.
Done. Goodnight!
BINABASA MO ANG
I Love You because... [GxG]
Non-FictionIt's not known to everyone how we love each other. And, it's not always everyday that I get to let you know how much I appreciate and love you. Well, I guess, through here, I'm going to let them know how I really feel for you. One day, when you are...