April 03, 2014

80 4 0
                                    

I Love You because...

Since late nga akong natulog last night, dineadma ko nang nagising ka na. Late ka na nga ring gumising and ilang beses kang nag-snooze. I was already expecting na 'di tayo magbebreakfast together. Pero I was surprised when you woke me up para yayain akong mag-breakfast. 'Di ka nakapagluto kasi nga wala ng oras pero ang importante, sabay tayong kakain. After meal, you kissed me goodbye ('di naman forever bye, hahaha).

I was supposed to leave early para sabay tayong mag-lunch pero na-hook ako sa koreanovela. Sorry! Pero babawi ako kasi alam kong nagtatampo ka. I was thinking of cooking our favorite adobo. We were having the same cravings pala kasi nagtext kang gusto mo ngang kumain ng adobo. E 'di 'yan, solve na tayo. HAHAHA. Parang ilang buwan na rin akong 'di nakapagluto simula no'ng lumipat tayo ng Makati. Well, except naman sa kanin, of course, and the spaghetti I cooked for Christmas na sarap na sarap ka. Let's see how this adobo turns out then.

Nagkita tayo sa shopping center kasi pareho nating gustong ginagawa 'yong pag-go-grocery. Siyempre binili lang natin 'yong nasa listahang gawa ko. Gano'n ako eh, OC lang. Pero wait, may bago kang craving. Double Dutch ice cream and spaghetti. Eh, sa kaTANGAhang palad, 'di enough 'yong cash na dala ko. Pinauwi kita sa bahay (malapit lang naman) para kumuha ka ng pera and makapagfall-in-line na ako. 'Di ka lang kumuha ng pera, credit card talaga 'yong dinala mo. Siyempre, dahil sobrang love mo ako, dinagdagan ko 'yong nasa cart. HAHAHA. Gano'n din kita ka-love, para marami kang makain.

Anayway, dahil late na at may pasok ka pa bukas, sabi ko, bukas na lang tayo ng gabi mag-adobo. Pumayag ka naman. At, dahil love kita, pinagbigyan kitang sa Chowking na kumain. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto mo do'n eh pareho lang 'yong lasa ng pansit, siomai, shanghai, at iba pa nilang pagkain. subukan niyo ngang i-compare. Pasalamat ka love I'm also craving for their halo-halo. In fairness naman kasi sa Chowking's halo-halo, masarap naman talaga. Though I still prefer the buko halo of my homeplace (secret na kung saan; next time na 'pag nadulas ako. HAHAHA).

So 'yon nga busog na tayo ng bongga. Dahil kumain na ako ng sweet and malamig, 'di tuloy ako nakakain ng ice cream mo which I knew you liked kasi wala kang kaagaw. Pero 'di mo naman naubos. Kaya humanda ka bukas, makikikain ako. HAHAHA.

Bago tayo natulog, may nahanap akong random questions sa Tumblr, palitan tayo ng sagot to check how well we still knew each other well and kung may nagbago man. Nakakatuwa, 'di mo pa rin alam ang shoe size ko. Na-trauma ka yata sa huling footwear na binili mo na wala ako, surprise daw. Surprising nga naman! Ang cute pa. Kaso 'di nagtagal sa 'kin. Nasira. Ang sikip eh. HAHAHA. And, ang holding-hands na nakalimutan agad. HAHAHA. Ayoko na ngang idetalye. Basta 'yon na 'yon.

So 'yon na nga, patapos na naman ang araw and matutulog na kami. Sweet na sweet talaga lagi ang gabi natin. I'm sleeping on your chest while your arms are wrapped around me. Kinukulit pa kita no'n. Dapat tulog ka na ng 11 pero inabot tayo ng almost 1am na. Pero masaya. HAHAHA

Kisses. Hugs. Goodnight.

I Love You because... [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon