Salamat.
16 years and counting...
Nakakatanda kung iisipin...kung bibilangin.
Hanggang ngayon iniisip ko, paano nga ba tayo tumagal ng ganito? Dahil siguro maaga rin nating sinimulan. We've known each other more than half our lives. Wow!
#SanaAll nga raw sabi nila. Pero 'di nila alam na... 🎶 Diyos ang dahilan. LoL. Seriously, walang may alam what we went through. Siguro that kept us stronger, tighter...'yong tayo lang may alam. 'Yong tayo lang din ang gumagawa ng paraan to get through our storms. We tried getting people involved before and it turned out to be messy.
Anyway, gusto ko lang naman talaga magpasalamat ngayon. Bakit? Wala lang. May special ocassion ba to get me to write another entry? Wala naman.
So, Love, Mahal...salamat.
Salamat kasi 17 years ago, nakilala kita.
16 years ago, pinili natin ang isa't isa.Salamat dahil lagi mong pinapatunayan na tama lang na minahal kita. Tama lang na mamahalin ka pa. Kasi pinaramdam mo rin ang pagmamahal na 'to sa'kin ng sobra sobra. Pinagtibay ako, pinagtibay tayo ng pagmamahal mo.
Hindi ko alam saan mo hinuhugot ang pagmamahal na meron ka kasi ramdam 'yon ng lahat ng mga nakapaligid sa'yo. Handa kang magparaya. Walang kapalit. Walang kondisyon. Lagi kang puno ng pagmamahal. Bigay ka ng bigay. Pero salamat at 'di ka pa naman bumibigay.
Salamat sa higpit ng 'yong kapit. Wala ka talagang kapalit. Kahit pagod ka, kahit naiinis ka, nagmamahal ka. Sa panahong hindi ko alam kung paano or kaya nahihirapan ako, pinupuno ako ng pagmamahal mo. Minsan napapatanong ako, deserve ko ba talaga 'to?
Salamat sa napakalawak mong pang-unawa at sa isip mong laging bukas na kahit hindi ako magsalita alam mo kung ano ang dapat gawin, kung ano ang dapat sabihin.
Sa dami ng may kailangan sa'yo - trabaho, magulang, kapatid, kapamilya, at ngayon pati mga aso at isda, hindi mo ako inaalis sa listahan ng mga dapat mong unahin. Madalas gusto ko lagi akong una sa listahan kahit impossible naman 'yon dahil iba-iba ang demands ng mga araw at gabi sa'yo pero salamat kasi madalas, kung hindi man lagi, ako ang una.
Salamat sa patuloy na pagpili sa akin, sa atin. Dahil kung tutuusin, pwede naman tayong pumili ng iba. Bumigay. Itapon ang labing-anim na taon. Pero, pinipili pa rin natin lagi ang isa't isa. Dahil ba sayang? Hindi.
Akala ko nga na habang tumatagal, mababawasan ang pagmamahal. Pero, hindi. Ang sarap pa ring magmahal. Parang laging bago sa pakiramdam. Kasi 'yon 'yong natutunan natin. Natutunan natin na dapat din pala nating piliin kung sino at ano na tayo ngayon at kung magiging sino at ano pa tayo sa susunod na araw at mga taon.
Kaya salamat...sa patuloy na pagpili sa akin, sa atin. Sa patuloy na pagmamahal.
Gusto ko lang din ipaalam sa'yo...
...pinili kita noon,
pinipili kita ngayon,
at kahit pa sa susunod na habambuhay, ikaw pa rin ang pipiliin ko.
BINABASA MO ANG
I Love You because... [GxG]
Non-FictionIt's not known to everyone how we love each other. And, it's not always everyday that I get to let you know how much I appreciate and love you. Well, I guess, through here, I'm going to let them know how I really feel for you. One day, when you are...