03/30/2017

36 1 6
                                    

Magkikwento lang ako.

Abangers kami sa sahod today. 30th eh pero sabi bukas pa raw sahod. Kaya, tiis ganda mga besh.

Now, 'yong pera namin, saktong pang-balikan na pamasahe and pang-lunch lang.

So, here's what happened, wala na akong pera. Asa much ako sa kanya ngayon. Nagpadala kasi ako ng malaking amount sa kapatid ko kaya short ako. Tapos earlier mga 15 before 10am, dumating kami sa office. Nung naka-akyat na kami sa room, saka niya lang na-realize na nawawala wallet niya. Naiwan pala sa Uber car.

'Eto pa, ang tagal naming bumaba sa sasakyan kanina kasi hinintay pa naming mag-calculate 'yong total amount. Nagawa pa nga naming pag-tsismisan 'yong sweet na GxG sa tapat ng office namin na nag-aabang ng masasakyan.

You see, may chance pa dapat kaming makuha ang wallet niya pero it was too late bago namin napansin. Umasa niya na ma-contact pa namin ang number kasi naalala niyang tinext ko 'yon bago kami sumakay.

Sad to say, nabura ko 'yong message gawa ng ka-OC-han ko minsan. What I appreciate was mainit man ang ulo niya sa nangyari, kalma lang siya. Hindi niya ako sinisi at all. Sanay kasi ako na siya 'yong nagbubukas ng pinto ng sasakyan and magchi-check last before iko-close pagkababa namin. I wasn't really sure bakit 'di niya napansin kanina.

Surprisingly, kalma lang siya kahit ang dami niyang ID and cards dun. If it was me, ang OA ko na siguro. Baka siya pa sinisi ko. Maldita. Hahaha. Pero siya, move on. Haaaaay! Sabi niya lang, next time, 'wag na raw ako agad-agad magbubura ng message.

Ok po.

So if you're asking how we survived today, mabait lang talaga ang team ko. Pinahiram kami ng pera. So here we are sa pantry, dinner sa office. As of writing, nasa office pa ako.

Isa pang kwento, ok lang ba? Kung 'di okay, bakit mo pa binabasa? LOL.

'yon na nga. Isa sa team ko absent, LBM daw. Pero later on her FB timeline, nag-flood comment sa halos lahat ng post niya ang boyfriend niya.

So, napag-usapan na naman about relationship - about what's worth it and what's not.

Tapos, in public, sinasabi niya na I am worth it. And, what we have is worh it. 'Yon lang. Kain na ako. Malapit na akong mabilaukan sa kilig eh. And oh, may tatapusin pa akong report.

:-)

I Love You because... [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon