Coming Home

54 3 0
                                    

08/14/2019

Ang tagal din after nung last entry ko.

So last year, you were supposed to leave but decided to stay. This year, we both have decided to leave.

Matagal na rin tayo rito sa Metro, over 6 years din. At first, ang saya. Freedom. 'Yon naman 'yong gusto natin at first, 'di ba? Magpakalayu-layo. 'Yong tayo lang, masaya...Walang pakialam sa sasabihin ng iba. Mabuhay magkasama nang 'di nag-aalala.

'Yong dating kailangan may 15 or 30mins. gap 'pag nanunuod ng sine kasi may bantay sa mall naging magkasabay na. 'Yong patagong check-ins para sekretong magkasama, naging magkasama na at sa iisang bubong pa.

Nagagawa naman natin 'yon before nung nasa Mindanao pa tayo pero masyadong nagiging maliit ang mundong ginagalawan natin. 'Di na natin alam kung sino ang pagkakatiwalaan. Mahirap na itago ang ikaw at ako, ang tayo, kaya mas nagpakalayo tayo.

'Yong umpisang masaya at madali, naging mahirap. Sabi nga nila, mas makikilala mo ang tao 'pag magkasama na kayo sa iisang bubong. Marirealize mong everyone is indeed unique nga. At, sa mahabang panahon na namuhay tayong parang mag-asawa, alam na alam na natin ang pagkakaiba ng isa't isa.

Na ako 'yong madalas unang nagigising.
Na gusto mong crispy lagi ang bacon mo.
Na mas organized ako.
Na mas gusto mong maglinis ng buong bahay.
Na ako naman 'yong maglilinis ng CR.
Na ayaw mong nakatapat sa'yo ang electric fan kapag kumakain.
Na gusto kong partner lagi ang kutsara't tinidor ko.
Na hindi ka makakahindi sa chocolate.
At, ayaw ko naman ng chocolate.

Ang dami nating pagkakaiba pero nagawa nating magsama ng matagal. Kasi magkaiba man tayo sa halos lahat ng bagay, naniniwala tayo na ang love ay choice. At lagi, alam natin na kahit anong mangyari, pipiliin at pipiliin pa rin natin ang isa't isa. Pero, ang inakala natin pagpili, hindi laging madali.

Parang last year lang, muntik na tayong mag-LDR na alam mong ayoko. Mas pipiliin mo na supposedly na makasama ang pamilya mo. At, kahit sinigurado mong ang pag-uwi ay 'di nangangahulugang hindi ako ang pinili mo at kahit pa ilang beses mong banggitin na ako at ako pa rin, natakot ako. Natakot ako. Kung bakit, hindi ko alam. Nakulong lang siguro ako sa komportableng buhay na meron tayo at akala ko, okay tayo na ganito lang. Hindi pala. Ang dami pa nating pwedeng at kailangang gawin.

We should not limit each other to grow. And so we did. We grew. In our careers, we bloomed. Halos sabay tayong napromote. Mas nadagdagan ang mga responsibilidad sa parehong balikat natin. Sad thing was, pang-umaga ka, pang-gabi ako. Magkabilang mundo. Parang nag-LDR na rin tayo.

Napaisip ako. Kaya pala. Kaya pala na ganito. Pagmamahal pa rin pala 'yong ilang minutong makasama ka sa madaling araw bago ka pumasok at pagmamadali mong pag-uwi para ako naman ang makita mo bago ako pumasok. Ang dami ko ring narealize. Sa mahigit 13 years na magkasama tayo na 10 years dun ay sa iisang bubong tayo, ang daming nagbago sa'yo, sa'kin, sa atin.

Kung dati, panay kain tayo sa labas, masaya na tayo sa home-cooked meals mo. Kung tutuusin, pang-restaurant na ang level ng galing mo. As always, 'di ko pa rin mapantayan.

Dati, lagi tayong nanunuod ng sine, ngayon, masaya na tayo sa "Netflix and Chill". 😅

Hindi na rin tayo natutuwa sa gimik at inuman at masaya na sa random coffee dates plus kwentuhan.

Mas pinili na rin nating mag-date sa furniture shops, book stores, hardwares, at supermarkets.

At, ang weekend, madalas pang-general cleaning na lang.

Ang dating "Good morning!", napapalitan na minsan ng "May kumakatok, ikaw na bumangon.".

Ang dating, "Uy, may gift ako sa'yo!", napalitan na ng "Masarap ulam mamaya." o 'di kaya "Nilabhan ko mga medyas mo.".

Ang dating "Goodnight!", napalitan ng "Pakamot ng likod, Love.".

May mga panahong nag-aaway tayo at minsan 'di nagkikibuan. Pero, thank you for giving me the comfort of silence - walang ginagawa, nakakabato minsan pero secured ako. Na alam kong kahit 'di tayo nag-uusap, okay tayo. Na 'di ako magwo-worry. Na alam kong ako pa rin, ako lang, ang nasa puso mo. And, para malaman mo, ikaw din, ikaw lang, sa akin. Alam kong kahit pareho tayong galit, may I-Love-You pa ring 'di lang binabanggit.

Maliliit na bagay, oo. Konti lang 'to kung ikukumpara sa kabuuan ng tayo. Pero, mahalaga sa'kin 'to kasi kahit sa mga panahong mahirap hanapin ang pagmamahal, pinupuno ako ng maliliit na ala-alang ito. Pinapaalalabsa akin na pinili natin ito. Pinili natin ang tayo. Kaya sa kabila ng mga pagbabago, masaya ako na andito pa rin tayo.

Ganito talaga ang Long Term Relationships. I wish I can reiterate this further sa mga pumapasok sa isang relasyon. Madalas kasi, ang iba, akala nila puro na lang sweetness at palaging masaya. Pero, ang reality, hindi ganun. Walang ganun. 'Pag nawala na ang kilig, saka mo mapapatunayan kung ano talaga ang pag-ibig.

Hindi ko sinasabing perfect kung ano man ang meron tayo. We have so much imperfections and differences which just make our relationship as fun and sturdy as it is now. At, proud ako sa kung anong meron tayo. Kung pwede ko nga lang sanang ipagsigawan sa mundo, for sure, gagawin ko. Pero, hindi pwede dahil ang mundong ginagalawan natin laging may matang mapanuri. At talagang hindi pwede lalo pa't napag-desisyunan na nating pareho na umuwi.

Maybe, it's time to go home. Oo, "maybe" kasi pareho tayong hindi sigurado kung tama ba 'tong desisyon na gagawin natin. At, 'eto na naman, nararamdaman ko ulit...ang takot. Ang takot na 'di ko alam kung bakit.

At first, sa ating dalawa, alam kong mas gusto mo 'to. Mas kailangan mo 'to. You have already let go of your chance to be home with your family last year. This time, I realized, kailangan ko rin pala 'to.

Maaga tayong nagsimula. 16? 17? Subukan mong bilangin. 'Yong dati kong pangarap, dati mong pangarap, sa murang edad, napalitan ng "ating" pangarap. Kahit hindi natin intention, minsan nakakaligtaan na rin natin ang ating passions. Ang oras natin sa pamilya naisakripisyo rin para sa kalayaan na pinili natin. Hindi ito masama kung tutuusin pero kailangan na nating umuwi bago pa man tuluyang mawala ang sarili natin.

Nahirapan tayo kahit magkasama, inaalala ko paano pa kapag magkalayo na. Liliit na ulit ang mundo na ating gagalawan. Mas marami na ulit ang mapanuring mata kasama pa ang matatabil na dila. Mahirap 'to lalo sa'kin. 'Yong plano mo nakalatag na samantalang ako, gulung-gulo pa. Magiging mahirap 'to para sa akin, lagi na naman akong magsisimba. Please don't get this wrong. Naniniwala pa rin naman ako sa Kanya pero sa simbahan, hindi na. Nandun kasi madalas ang mga mapanghusga.

Pero alam ko, ang pag-uwi natin hindi ibig sabihin nun hindi na natin pinili ang isa't isa. Tanong nga ni Joy (Kathryn) sa Hello, Love, Goodbye, "Kung mahal mo ako, bakit pinapapili mo ako?". So 'wag kang mag-alala, 'di kita pinapapili. Tapos na tayo dun. Pinili mo na ako noong nakaraang taon at sa mga taong nagdaan na. 'Wag ka ring mag-alala dahil hindi ako magpapaka-Ethan (Alden) para tanungin kang, "Kung mahal mo ako, bakit 'di ako ang piliin mo?". Kasi, magkalayo man tayo, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko.

I will always choose you.

Going home may be hard for both of us. But you see, a home isn't a place anyway. For me, it's you.

I will choose you everytime. And, one day, I'll come home to you.

I Love You because... [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon