Nov. 08, 2017

48 3 0
                                    

Hello there love!

I'm planning to take this book down as the content is too personal for us, for me. Pero, ang saya lang kasing balikan minsan. Truth is, we really can't trust our brain's capacity to store memories. We forget a lot of things most especially the little ones. So, for now, I'm keeping this.

Anyway, ano nga ba nangyari kahapon?

Usual Tuesday at work, nasa kabilang building ka. Mukha kasing mas masaya ka naman dun kaya 'di na kita pinipilit mag-station dito minsan. And, wala ka na rin namang business dito since ang specialists and associates mo eh nandiyan na rin naman.

So anyway, nothing unusual sa buong araw until tinopak na naman ako. Our shift's almost over kaya I had the chance to check IG stories. There. Na-trigger si ako. Sa stories ng associate mo, andun ka, blowing a birthday balloon.

Naisip ko...

"Wow, 'di ka pala busy. Wow, nag-effort at nag-blow ng balloon para sa birthday ng Specialist niya eh nung birthday ko, sa dami ng balloons na binlow ng associates ko, wala ni isa dun na ineffortan mo. Lunch ka nga lang nagpakita sa'kin nun kasi may pa-surprise ang team ko. Joiner ka lang. Nag-abot ka lang ng pera."

Pero siyempre 'di ko sinabi sa'yo. Baka sabihin mong ang OA ko na naman especially na 'di pa ako naka-get over sa prank mo sa'kin sa Baguio. Torture 'yon. Grabe ka! 'Di pa ako naka-move on. Tapos ngayon na-trigger mo na naman ako.

Mag-a-alas otso na nang sinundo mo ako sa office. Sa sasakyan, tahimik lang ako not only because naiinis ako but because sobrang gutom na gutom ako. So, 'di ba? Sumabay pa 'yong gutom.

"Kumusta?" sabi mo.

"Ok lang. Ikaw? Kumusta ang pagboblow ng balloon?" sabi ko with a smile pero alam kong halata ko na ang sarcasm.

'Di ko na napigilan eh.

Napabuntong-hininga ka na lang and 'di na nagsalita. Acting like wala lang 'yon sa'kin, I changed the topic. Pinag-usapan natin 'yong about sa Boss nating kakabreak lang. So, you thought ok na tayo kasi madaldal na ako ulit. But, wait. Hahaha

Tinatry ko naman to not mind it kaya dinadivert ko rin talaga 'yong attention ko. Lalo pa akong natrigger dahil wala pang food pagdating sa bahay. Usually kasi may food na nakaready. Andun kasi ang pinsan mong magaling magluto eh naspoil yata tayo na for the past 3 weeks, pinagluluto niya tayo. Pero, 'yon nga walang food pero I have to act fine sa harap mo lalo pa't anjan pinsan mo. Tama nga pala talaga dapay na finollow ko instict ko na kumain na lang sa labas.

Bago pa man lumala situation, umakyat na lang muna ako sa taas. You stayed downstairs. Umakyat ka lang ulit para tawagan ako para mag-dinner. Ikaw pala nagluto. Akala ko pinsan mo. Nahiya naman ako. Pareho tayong pagod pero ikaw pa rin nagluto. Naguilty naman ako.

Pero, after kumain, umakyat din ako agad. Past 10pm na bago ka umakyat. 'Di kita pinapansin. Nagtanong ka anyare sa'kin. Sabi ko, "Wala. Magblow ka na lang ng balloons."

Tapos ayon na nag-away na tayo.

Sorry. 😢 I mean nakapagsorry naman na ako kagabi. Pero uulitin ko lang sinabi ko.

You can do your thing. Be happy kahit 'di ako ang kasama mo. Sometimes nagiging selfish talaga ako and gusto ko ako lang nagpapahappy sa'yo. Pero, of course, I respect our individuality. I'm sorry.

Be happy and be comfortable with what you do without having to worry kung ano ang iniisip ko or get scared na baka magalit ako. I don't want you to live in fear. 'Di naman kita sinasakal (figuratively) 'di ba? Hahaha

And thank you sa Aloe Vera facial mist na pasurprise mo sa'kin.

Me (facing the mirror): Ang dami ko na namang dark spots sa mukha. Mas makinis ka na sa'kin ngayon.
Siya: Hindi naman ah. (Tapos hinawakan mo mukha ko.)
Me: Pwede ko na ngang i-connect the dots oh.
*Nag-breakout kasi ako recently. Paisa-isa lang ako magkapimple pero naglileave talaga ng dark mark and ang tagal mawala and currently, may lima ng darkspots and talagang sa area na kitang kita - gilid ng ilong, sa may kilay...

Siya: Galit ka pa?
Me: 'Di nga kasi ako galit.
Siya: Ano lang?
<long speech>

Then, bigla mo na lang inabot 'yong mist. Tiniming mong naiinis talaga ako at may pa-keme kang ganun. Nahawa ka na sa kaartehan ng Specialists mo. Wait ko 'yong promise mong serum next time. I-timing mong nagta-tantrums ulit ako. Hahaha

Lastly, it's my pleasure to join you for a late night drive. Char! Kahit hinatid lang naman natin pinsan mo sa airport.

P.S.
Mabait ako today. 😇

I Love You because... [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon