April 06, 2014

45 2 0
                                    

I Love You because...

My hormones are driving me (well, us actually) crazy. I really hate the week before my menstruation because I get so emotional and easily irritated. And yes, I'm in that week.

Earlier, I was awakened with the urge to pee and so kailangan ko talagang bumangon kahit ang sarap pang humiga sa mga braso mo habang yakap-yakap mo ako. Ang nakakainis pa, 'pag ako kasi nagising na, 'di na ko makakatulog ulit. So, siyempre, being so productive, nakapaglinis na ako at lahat. In fact, nakapag-breakfast pa ako. Consumed my frozen fruit salad. Lasang ice cream na nga eh. Tapos nag-toast na ako ng paborito kong Spanish Bread. 'Di naman lahat ng Spanish bread paborito ko. Well, kinakain ko naman lahat ng klaseng Spanish bread pero 'yong paborito ko talaga is 'yong nabibili do'n sa bakery malapit sa'min nung bata pa ako. Hinahanap-hanap ko 'yong lasa. Tapos dahil swerteng babae siguro ako, hahaha, nakahanap ako ng same-tasting Spanish bread dito malapit sa'min. And, sobrang sarap niya 'pag na-toast na lalo na 'pag nagmelt 'yong filling. Drooling!

Tapos na akong kumain, tulog ka pa rin. Actually, nagising naman siya kanina pero nagbasa. Ang boring ng binabasa niya. 'Di ko bet 'yong genre. Pang matatalino lang kasi. 'Di ko na babanggitin kong anong book 'yon baka magalit pa si prestigious international author sa'kin. With all due respect, he's known and sobrang mind boggling naman talaga 'yong mga gawa niya. Naging movies na rin 'yong mga naisulat niya. Pero kahit sa movies, ang slow ko. 'Di ko maintindihan kaya naman sobra siyang patient sa pag-explain sa'kin para lagi kaming nasa same page. 'Yon isa 'yon sa mga katangian niya nakapalaglag ng panty ko noon. HAHAHA. Exagge lang eh no? Natawa ako sa sinabi ko. Wait, give me a moment of laughter. HAHAHA. OO, sobra siyang patient. Virtue niya 'yon. 'Di ko virtue. Minsan tina-try ko pero ngayong week na 'to, malamang malabong mangyaring maging patient ako. 'Di ko nga natiis na natutulog lang siya kaya ginising ko. 'Di naman ako masama kung 'yon ang iniisip niyo. 'Wag nga kasi masyadong mag-judge! 11 am na po. Concerned lang ako na baka nagugutom na siya. HAHAHA. Excuses!

Bumenta ang spaghetti sa pagising ko sa kanya. In fact, siya na 'yong nag-init ng sauce. Mahal niya kasi talaga ako. Mahal ko rin kaya siya. Pero, oh my God, mahal niya ako, nag-serve lang siya ng spaghetti para sa sarili niya.

"Sa'n 'yong akin?"

"Akala ko ba kumain ka na?" sabi niya.

Dahil nga emotional ako and OA lately, 'di ko namalayang dramatic pala 'yong sagot ko.

"Well, I was able to make it on my own for 17 years. I'll get my own plate of spaghetti."

OO, English 'yon. Nag-eenglish ako 'pag naiinis, nagtatampo, lalong lalo na 'pag galit ako. Alam na niya 'yon. Pero nagalit ako sa mga sumunod na pangyayari. Kaso lang 'di na ako nakapag-English.

Partner ng spaghetti ang toasted bread. Actually, garlic bread. Pero, wala kaming garlic paste or whatever you call it. So, toasted bread lang 'yong ginawa niya. Dahil nga OC (plus OA ako ngayon) nairita agad akong nakita na 'di niya agad niligpit ang toaster plus may bread crumbs pa. Tsss. Pero, I'm not letting may anger control me. Tinawag ko 'yong pangalan niya para makuha 'yong kanyang attention but not intending to rant or what not. Ang bait ko pa nga dahil ako na 'yong nagligpit kasi kumakain siya. I got it all cleaned up right before I grabbed a plate of spaghetti for myself. Pero, I was already accused na nagalit daw ako sa kanya. Ang kulit-kulit pa. Sabi ko, tama na and tapusin niya na 'yong kinakain niya pero masyado siyang insistent. And, I broke down. I hadn't been a cry baby or emotional kasi siya talaga 'yon - not me. But, I didn't know kung saang duct dumaan 'yong mga likidong 'yon, pero I caught myself crying. I tried to hold it pero nanginginig na ako and cried still. That was the drama. Naiyak ko na. Ayaw ko namang patagalin 'yong tampuhan na'yon. Sorry siya ng sorry at nanahimik sa tabi. Eh matitiis ko bang gano'n na lang? After ilang minutes pagkatapos kong maubos ang spaghetti topped with some droplets of tears, ako na 'yong nag-initiate. Lumipat siya sa tabi ko tapos ok na kami. Gano'n lang kabilis. HAHAHA.

Nanood kami ng movie buong hapon. Dalawang movie lang kami ngayon. "Date and Switch" 'yong 1st naming pinanood and "The Internship" 'yong second. While watching the movie, mabait na siya sa'kin. Na-guilty yata sa pagpapaiyak niya sa akin, siya 'yong nag-pedicure sa'kin. Ang totoo, promise niya 'to sa'kin kahapon. So, 'di ko naman masyadong feel na ginawa niya 'yon para makabawi. 'Di na po 'yan uso ngayon. Before finishing the second movie, nagluto na naman ako ng adobo, requested eh. Sabi ko nga nakaka-adik ang luto ko. Gusto ko sana kayong bigyan pero baka ma-adik din kayo kaya 'wag na lang (Feeling expert. Feeling chef).

Akala ko ok na kami or so I thought. Nagpe-prepare siya for work tomorrow. I saw this letter from the company na pinagtatrabahuan niya. Aba nagalit. Nag-tantrums! Baka may hormonal issue rin. Pero seriously, what was wrong with that? I know pareho lang naman kami ng contract na matatanggap. 'Di nga ako nagalit na 'di niya agad sinabi sa'kin na nasa kanya na pala ang official contract with the boss' signature. Sa ka-OAhan ko, I let that pass. 'Di na ko nag-react pero nang binalik ko sa kanya, kinuha niya agad and intentionally threw it away. Oh this day!!! A fluctuation of emotions day. Whew!

Pero, while I was updating my blog and this Wattpad story, kinukulit na naman niya ako. Sorry ng sorry sa akin. Nakakainis na nga minsan. Nako! Kung 'di ko lang 'to mahal...Anyway, we cleared everything and nakapag-usap kami ng malalim and matagal. Usually, when we are about to sleep, cuddle lang naman kami, kiss, and exchange goodnights. But, tonight, 'yon nga nakapag-usap kami which was good kasi naayos namin ang mga dapat ayusin.

Inumaga tuloy kami kasi aside from that...CENSORED...HAHAHA!

Goodnight!

I Love You because... [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon