April 10, 2014

41 1 0
                                    

I Love You because...

Ang totoo, 'di ko feel magkwento ngayon. Excited kami pareho na same na kami  ng workplace but I was sent home kasi 'di pa raw pala ngayon ang start day ko. Letse naman kasing generation na 'to. May email na, may cellphone pa, pero pinagbayad pa ako ng pamasahe at pinag-effort gumising ng maaga't magpaganda para personal sa'king sasabihin na it's not today. Galing ah!

So, dahil magaling kang mag-emphatize, sumabay ka lang naman sa bugso ng aking damdamin. Salamat ha? I'm so not in the mood!

Sa mga masama ang loob, may tinatawag na emotional eating. Kaya naman nag-crave ako ng liempo. Sino naman hindi maglalaway do'n? Samahan pa ng vinegar with pepper sa sawsawan. Ang sarap 'di ba? Kaya kahit feeling ko ang sama na ng mundo sa akin ngayong araw, solve naman ako sa kinain kong dinner tapos kasabay pa kita.

Kaya lang, no'ng akala kong ok na, nagkaroon na naman ng war before bedtime. Hindi ko alam kung sino talagang nagsimula pero ang ayaw ko lang is 'yong maramdaman mong guilty ka kahit wala ka namang ginawa. Sobrang nakakabadtrip na feeling 'yon. Teeth gritting feeling actually. Tapos samahan pa ng mga emotions na hindi mo alam kung saan galing. Ewan ko ba. Pero, as usual, naayos naman namin. Magkayakap na naman kaming natulog.

Goodnight.

I Love You because... [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon