April 11, 2014

35 4 0
                                    

I Love You because...

Hello Friday!

Dahil madaling araw na tayong natulog, 'di na naman tayo sabay nagbreakfast. Siguro masasanay na rin ako ng ganito sa mga susunod na araw. Maybe I still haven't moved on. Nasanay kasi akong nasa bahay ka lang dati and pinagsisilbihan ako. Hoy! 'Di ko siya ginawang katulong. Ginawa niya lang talaga akong prinsesa niya at siguro 'di ko naman kasalanan 'yon.

Pero of course, for self fulfillment, kailangan natin pareho ng career. Kaya here we are, working our asses out. Sabi nga nila, ang career at pag-ibig magkalaban talaga 'yan kaya naman learn to prioritize. So far, in fairness, somehow (whatever) naba-balance pa naman namin. Thank You God.

Dahil we're currently financially challenged, pumunta akong National Bookstore para bumili ng mga kakailanganin ko for my simple, sweet, effort, little surprise para sa kanya sa 8th year anniversary namin sa Sunday. I need to relive the creative side of me. Buti na lang may Google and Youtube which made it easy for me to think of creative ways to surprise your partner. Sa Sunday ko na ikukwento kung anong inihanda ko. Plano ko ngang 'di na mag-effort kasi naman I know enough na 'yong sarili kong panregalo. HAHAHA

So 'yon nga ginabi na ako pero mas nauna akong nakarating compared sa kanya dahil may meeting pa sila after shift. Still, kahit hate kong maghintay, I was patient kasi sabi niya may surprise daw siya sa'kin. Na-excite tuloy ako. Akala ko, 'yong cookies na naman sa Starbucks na sarap na sarap ako but it wasn't. 'Yong favorite ko lang naman. Pizza!!! To be exact, Greenwich pizza. Patok talaga sa panlasang pinoy. Na-try ko na ang iba't ibang pizza brands. OO, masarap. Generally, sobrang masarap naman talaga ang pizza. Pero, hindi talaga ako nagsasawa sa Greenwich especially no'ng pinasarap nila lalo 'yong crust nila. Droooooooooling! Thank you soooo much my loves.

'Yon na 'yong dinner ko. Tapos sabi niya mag-isip na raw ako ng isusuot sa Monday. Gusto niya I'll look hot daw. Ewan ko kung bakit. Gusto niya yatang pagpantasyahan ako ng mga lalaki do'n. Sinukat ko 'yong mga damit na 'di na magkasya sa'kin. Pumapayat na pala talaga ako. Sana tuloy-tuloy na 'to. Pinagsuot niya pa ako ng pumps and pinagramp sa kwarto habang pinagpapantasyahan niya. HAHAHA.

Anyway, sleep kami ng maaga kasi late na nga kami natulog last night. Buti na lang 'di kami nag-away this time.

Hugs. Kisses. Cuddle. Good Night.

I Love You because... [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon