05/21/2017

39 0 0
                                    

Ang bilis ng araw. Matagal na pala huling entry ko dito. Oh well, 'wag mong isipin though na 'di kita mahal sa mga araw na 'yon. Wait lang, segway, just a thought. Bakit mas madaling sabihin ang "I love you" compared to "Mahal kita." Parang ang corny. Parang eeeeehhh! Hahaha. Nakakatawa 'di ba?

Anyway, mah-, I mean love talaga kita kasi nung isang araw, tinanghali na naman tayo ng gising, tinatamad na naman pumasok sa trabaho. Pero, well, we have to. Paalis na tayo nang biglang bumuhos ang ulan. So far, pinakamalakas yata na ulan 'yon this year. Nakikisabay ang kisame natin sa lakas ng ulan sa labas. Umuulan na rin sa kwarto. Kung 'di pa umulan, 'di pa natin malalaman na sira 'to.

Minsan talaga malalaman mong sira na kayo sa panahong huli na ang lahat dahil lang sa mga maliliit na problemang 'di pinapansin. Sumegway na naman kahit walang connect.

So 'yon na nga malakas ang ulan and may na-book na tayong Uber. We really no longer have time para ayusin pa ang mga gamit. So inangat mo lang mga wires and move my shoe rack away from the dripping ceiling. Tapos naglagay ng sandamakmak na rugs.

Pagkauwi natin, buti naman hindi nahing pool ang kwarto. Dahil nakajapanese style tayo, nasa sahig lang ang bed natin. Ang bed, na savior natin, inabsorb lahay ng tubig ulan. Ang saya 'di ba? Pero siyempre, 'di kita inaway. It was nobody'a fault anyway. Ginawa mo naman ang lahat that morning to save some stuff from getting wet, lalo na ang mga footwears ko. Alam mo naman mangyayari 'pag nabasa 'yon. Pero thanks to you love! Hehehe

Thanks to the ulan. Basa ang side mo ng bed. Eh 'di siksik ka sa'kin. Hindi tayo "California kingbed, we're 10 thousand miles apart..."

Tight tayo that night. Tight.

Love Love

I Love You because... [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon