05/27/2017
So, last night habang naliligo ako (Oo, night kasi 'pag weekend laging hapon or gabi na ako naliligo.), I remembered the lessons she taught me about Candy Crush. O, 'di ba? Pati sa game may lecture na naman siya sa'kin.
Sa Taguig pa kami nakatira nung napag-usapan namin 'to, 2015 I guess. Matutulog na yata kami that time tapos naglalaro kami pareho sa phone namin, pampaantok. Siya talaga 'yong mahilig sa games so mas marami sa phone niya compared sa'kin. We're facing the opposite sides of the bed.
Tapos, na-game over yata siya. Humarap siya sa'kin ang hugged me from behind.
"Anong nilalaro mo?"
Hindi na ako sumagot. Kita naman kasi sa screen 'di ba kung anong nilalaro ko - Candy Crush: Soda.
"Anong level ka na?" curious niyang tanong.
"53." tipid kong sabi kasi nga I'm concentrating.
"Ang loser mo naman." biro niya.
"Bakit? Anong level ka na ba?"
"87." pagmamayabang niya.
Level 53 pa lang kasi ako pero 3-stars lahat 'yon. Eh when she showed me hers, 87 na pero hindi 3-stars lahat.
Dahil OC kasi ako, gusto ko perfect lahat kaya ang bagal ng progress ko plus minsan lang ako maglaro. Siya naman 'pag nalampasan niya na ang isang level, proceed na siya agad sa next kaya nasa 87 na siya.
So, here are her Candy Crush's life lessons:
1. Hindi all the time, kailangan mong maging perfect or i-perfect ang lahat ng bagay.
2. You'll end up really frustrated kung ipipilit mo 'yon.
3. Time is your enemy.
4. The more mong pinipilit iperfect ang lahat, mauubusan ka ng oras sa ibang bagay. Mamimiss mo ang mga dapat mong maexperience. Maiiwan ka. Mauunahan ka.
5. Ok lang magkamali. Habang may 'life', may pag-asa pa. It's not yet the end.
6. Sabi nga nila, 'hardwork beats talent'. Your 3-stars will not bring you far. Hanggang diyan ka na lang.
7. If you surpass the dificult levels, pwede mo namang balikan ang 1 and 2-stars para gawing 3 'yon. Mas easier pa for you kasi nakaya mo nang lampasan ang mas mahirap.
8. So, don't waste energy sa mga bagay na 'di na dapat pagtuunan ng pansin.
9. Move on.
10. Lastly, don't get stressed and frustrated. This is a game. Have fun. Enjoy!Imagine, matutulog na lang kami may lecture pa. But, it makes sense right?
Level 73 na nga pala ako. 3-stars lahat. Ang tigas kasi ng ulo ko. LoL. Kasi naman, may mga bagay na easier said than done. Minsan I proceed na sa next level but I can't help but make the other levels 3-stars pa rin. Minsan nga, ako naglalaro sa phone niya. Binabalikan ko 'yong mga 1 and 2-stars niya. Pag-ibig...
Hahaha
Oh well, ang corny ko na naman.
Labyu! 😘
BINABASA MO ANG
I Love You because... [GxG]
Non-FictionIt's not known to everyone how we love each other. And, it's not always everyday that I get to let you know how much I appreciate and love you. Well, I guess, through here, I'm going to let them know how I really feel for you. One day, when you are...