Playing Expert

48 0 0
                                    

08.27.2017

Before her, I had 2 boyfriends. One lasted for a week, the other a little over 6 months. So, really, I didn't have much experience to share.

Comparing these experiences sa job applications, I probably wouldn't get the job kasi short stints 'yon - attrition risk. Possibleng aalis. I initiated the break-up on both relationships but maayos naman ang paghihiwalay. We mutually agreed. Ganern. What I didn't expect though was getting an immediate replacement the next day (1st boyfriend). Gago 'di ba? LoL. That's another story.

Anyway, 'yon na nga. Considering my background and hers, wala talaga kaming long-term EXes story. This is all a surprise na never pa kaming naghiwalay and still together for over 11years. So, what's the formula to make it work?

Truth is, hindi ko alam. For some, sabi nila it's not the length daw ng relationship, it's the quality. Pero, I must say na hindi naman kami magtatagal ng ganito kung walang quality 'yong relationship namin. I guess our foundation, the friendship, was too strong and mas pinalakas pa ng mga pinagdaanan namin that kept us together.

Siyempre, may mga ibang bagay which needs to be considered - communication, respect, the give-and-take rule, and ang dami-dami pa. Feeling ko rin we have embraced kasi the good and bad ng isa't isa and make sure to always bring our the best in each other. Another thing is understanding that there are different languages of love. My way of showing I love her is different from how she's showing hers.

Her language of love is more than one pero dominant among the rest 'yong service. Pareho kaming marunong (and take note, masarap) magluto. Pero, mas mahilig siyang magluto. Ako 'yong tamad. Parang update lang sa Wattpad, depende lang sa mood. Pero, ang hilig kong kumain. And, nag-iiba ang mood 'pag gutom. Lahat naman yata ganun.

Also, most of the time, I do things on my own. I grew up too independent kasi. Kahit ang layo ng bahay namin sa school dati, best in commute ako since kinder. Kaya nga ako na-sexually harassed nung Grade 3 ako. That's another story. So 'yon na nga. I'm not used to depend on someone. Hindi rin ako BILMOKO girl. Ang pagiging clingy, bihira lang mangyari sa isang linggo. And, ang pain tolerance ko ang taas. Masochist. Charot lang!

Going back, siya talaga 'yong maservice, especially sa "pagkain". Magtatanong palagi anong gusto kong kainin. Lulutin niya.

So earlier, past 10am na kaming nagising. Around 11am nagtanong na siya what I want for breakfast daw. Char lang! Lunch na eh no? Bait 'di ba? Pero wait, mas mabait ako ngayon (disclaimer: minsan lang 'to mangyari).

Sabi ko, not exact verbatim, "No, 'wag ka munang magluto. If you need to sleep, tulog ka ulit. (Tapos, pinapikit ko siya and I covered her eyes with my fingers.) Sayang naman ang holiday, ang weekend, kung hindi ka makakabawi ng tulog. Don't stress and don't mind the pressure of being obliged to cook for me dahil lang sa gutom ako."

Nagkunwari siyang asleep for like 10 seconds and bumangon din sabay sabing "Gutom na rin ako eh."

LoL

Ang haba ng intro ko eh 'yon lang naman ang kwento ko. The lessons in this story or keme are:
1. Get yourself to improve regardless if nakailang EX ka or wala man. Learn from your friends' stories or sa current mong relationship. There's so much to improve on.

2. 'Wag iasa lahat sa partner. Be independent but let your partner still feel na kailangan mo siya sa buhay mo.

3. Think not only of yourself. Isipin mo rin ang needs ng partner mo.

4. Sabay kayong kumain. LoL

That said, kain muna kami.

I Love You because... [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon