Chapter 1

7.4K 173 9
                                    

Nagsusulsi ng damit si Elena nang biglang nag ring ang kanyang cellphone.

-Hello Tiya Elena kumusta na po kayo?"          

"Mabuti naman ako."    

-Miss ko na po kayo, pupunta kami ni Jerico dyan sa Santa Barbara para makita kayo."

"Mabuti naman na mimiss na din kita."

Mula nang nagpakasal si Assunta kay Jerico isang taon ang nakakaraan, naiwan sa Santa Barbara si Elena, kamamatay lang ng asawa nitong si Oscar.Isinama ni Assunta si Elena sa Maynila para doon na manirahan ngunit bumalik si Elena ng Santa Barbara dahil mas gusto nito doon tumira, pinaganda ni Jerico ang lumang bahay ni Elena.

.......

Isang araw nakaramdam ng pananakit ng dibdib si Elena habang nanonood ng tv.

Tinawag nya ang kanyang kasambahay na si Hilda.

"Hilda!"

Nang narinig ni Hilda ang sigaw ni Elena ay lumapit agad ito at iniwan ang kaniyang paglalaba..

"Manang Elena!" Kinabahan na sabi ni Hilda nang nakita nya itong nakaupo sa tabi ng bintana at hawak hawak ang dibdib.

"Dalhin ko na po kayo sa ospital!"

"Hindi na kailangan ihiga mo na lamang ako sa kama, gusto ko magpahinga."

Inihiga ni Hilda si Elena sa kama.

"Ano po nararamdaman ninyo?"

"Ok na ako, medyo sumikip lamang ang aking dibdib."

"Magpatingin po kayo sa doktor?."

"Hindi na kailangan, wala na din magagawa ang doktor sa nararamdaman ko at isa pa matanda na ako."

"Nasaan na po ang iyong nag-iisang pamangkin, si Assunta?"

"Nasa Maynila na siya, doon nga niya ako pinapatira pero mas gusto ko rito, di ko maiwan ang lugar na ito,"

"Ah ganon po ba? Magpahinga na po kayo at itutuloy ko lang po ang paglalaba."

At nang napag isa si Elena ay may naalala ito.

"Balita ko nandito na ulit si Carmen at sya ang may hawak ng diary ni Antonio Jose, kailangan kong makuha ang librong iyon, baka may ibang makakuha, kailangan bago ako mawala sa mundo ay mapasaakin iyon ng tuluyan ng hindi ito malaman ng ibang tao."

Sabi ni Elena sa kanyang loob.

Sumunod na araw ay lumabas ng bahay si Elena.

Paglabas nya ng gate ay nakita nya si Hilda na nakikipag usap sa kasintahan nitong si Al.

"Magandang hapon po." magalang na sabi ni Al.

"Ateng saan po kayo pupunta, sasamahan ko na po kayo." sabi naman ni Hilda.

"Huwag na, dyan lang ako sa may tindahan, kaya ko na ito."

"Sigurado po ba kayo?"

"Oo, huwag ka na mag alala sa akin.'

Nagpatuloy maglakad si Elena, ang totoo ay hindi sya sa tindahan pupunta, pupuntahan nito si Carmen.

Sumakay si Elena ng tricycle, at pagdating sa bahay nila Carmen ay nag doorbell ito.

Maya-maya ay may nagbukas ng pintuan.

"Ano po ang kailangan ninyo?" sabi ng katiwala.

"Magandang hapon po, maaari ba makausap si Carmen?'

"Sandali lang po, pasok at maupo na muna kayo,"

Naupo si Elena sa sala.Tinawag ng katiwala si Carmen.

"Aling Elena? Kamusta na po kayo?papano mo nalaman ang aking tirahan?"

"Mula nung sinabi ko sa inyo ang lihim tungkol sa puno ng Hermosa ay inalam ko kung saan ka nakatira, at alam ko ang tungkol sa libro ni Antonio Jose,"

"Ano ang pakay mo aling Elena?"

"Carmen, alam kong nasa sayo ang diary ni Antonio Jose at gusto ko itong makuha."

"Ngunit bakit?"

"Nasa diary na 'yan ang sekreto ng aming pamilya at kailangan kong makuha yan,"

"Pero ako na ang nagpoprotekta sa libro at huwag kayo mag alala nasa mabuti itong kamay, walang makaka alam ng inyong lihim."

"Ngunit kailangan kong makuha yan, ibigay mo na sa akin.Baka iyong nakakalimutan na kaya natapos ang librong yan ay dahil sinabi ko ang aming lihim, kaya nakikiusap ako, kukunin ko yan,"

Walang nagawa si Carmen at kinuha ang libro at binigay kay Elena.

"Ito na po ang libro."

At nang nahawakan ito ni Elena ay nakaramdam ito ng panatag ng loob, nais niya itong ibigay kay Assunta upang kanyang itago.

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon