"Maaari bang sya na lang ang mag assist sa akin?"
"Ah kasi po ano____ahh bago lang sya___" nalilitong sabi ni Ingrid, hindi nya alam ang kanyang sasabihin, narinig ito ni Henry at sumabat sya.
"Sure mam, sandali lang po at tatawagin ko, dyan lang po kayo mam." nakangiting sabi ni Henry sa buyer.
Hinabol ni Henry si Daniel na pasakay ng elevator.
"Sandali huwag ka na muna umalis."
Napalingon si Daniel.
"Bakit Sir."
"Yung kliyente ikaw ang gustong mag assist sa kanya, ayun sya."
Tumingin sya sa kliyente at nakita nyang nakangiti ito sa kanya.
"Sige na lapitan mo na."
"Sir ano sasabihin ko?"
"Gaya ng sinabi ko sayo alam mo na."
Nilapitan nila ni Henry ang mayamang babae at sinama ni Daniel at ilibot ito sa model house.
Panay ang tingin nito sa kanya.
"Ah mam ah maganda po dito, malaki po ang swimming pool at may gym." sabi ni Daniel.
"Haha kahit naman saang condo ay may malaking swimming pool at gym." natatawang sabi nito..
"Malapit lang po ang lugar sa bus and train station." sabi ni Daniel.
"Haha hindi ako sumasakay ng bus at train." natatawang sabi ng kliyente.
"Ha eh, maganda po dito kesa sa iba." nalilitong sabi ni Daniel..
Napansin ng kliyente na hirap ito magsalestalk.
"Magkano ba ang unit na ito?" Eh 45 milyon po itong pinaka malaki at meron din 10 milyon."
"Well, huwag ka ng maghirap magpaliwanag okay."
"Eh sorry po mam, bago lang po ako pasensya na po."
"Hind ako interesado."
"Ah ganon po ba, pero may discount pa po mam." Dismayadong sabi ni Daniel.
"Haha! Hindi ako intersado sa 10 milyon, dahil ang gusto ko ay ito, itong malaki."
"Talaga po?"
Hindi sya makapaniwala sa sinabi ng babae.
Nagpunta sila ng opisina at natuwa si Henry ng naganap ang kanilang transaksyon.
Hindi ito nagbayad ng hulugan, bagkus buo at nagbayad ito ng tseke.
Ng naka alis ang buyer ay tuwang tuwang si Henry."Congrats!, ang lakas ng dating mo! hindi ka pa nag uumpisa nakabenta ka kaagad, hindi ako nagkamali sa pagtanggap sayo agad haha!" masayang sabi ni Henry.
Nakangiti si Daniel kay Henry.
"Well, makakatanggap ka ng percent kapag naipa clearing ko na ang cheke, kailangan mong mag open ng account bukas sa banko."
"Ah ok po Sir salamat, di na po tumawad ang buyer."
"Oo kaya may dalawang milyon ka kaagad dahil yung pinakamahal ang nabenta mo."
Hindi sya makapaniwala sa bilis ng pangyayari.
Nang nabalitaan ng mga kapwa nya agent ay nabilib ang mga ito sa kanya.
Maliban kay Ingrid na na badtrip kay Daniel dahil sa kanya kumuha ang babae at hindi sa kanya.Nasa isang tabi sila at nag uusap usap kasama ng mga co agent nya."Hmp! Sure buyer pala yung kliyente bakit sa kanya bumili, sayang! Akin dapat yun." masamang loob na sabi ni Ingrid sa mga kasama.
"Sa sobrang guwapo naman ng lalaki na yan mahihiya tumanggi at tumawad kahit sino... my gad sino ba sya? Ang pogi pogi nya, nakakaloka!" sabi naman ni Beth.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'
HorreurDaniel Espinosa Lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit hindi ito maaaring mahawakan. Author's Note Please follow me first before you read this para mabasa po ninyo full chapters.. Thank you so much...Enjoy reading! ? ONLY FOLLO...