Chapter 44

1.8K 55 11
                                    

Maya maya ay huminto na ang himig ng piano at may nag doorbell ng pinto.

DING...DONG

At naramdaman nyang ito ay si Kasandra.

Kahit natatakot ay binuksan nya ang pinto.

Pagbukas ng pinto ay ito nga ay walang iba kundi si Kasandra na nag anyong babae na kagaya ng dati nyang itsura nung panahon nila ni Leandro.

Ng nakita ito ni Daniel ay hindi sya nagpahalata na sya ay natatakot, nagkunwari si Daniel na hinihintay nya ito. Pumasok sa loob si Kasandra at sinara ni Daniel ang pinto.

At humarap si Kasandra sa kanya na nakasuot ng puting kamison.

Unti unti syang nilalapitan ni Kasandra, tahimik at seryoso ang mukha nito at tumitingin sa kanyang mga mata,
Ngunit iniiwas ni Daniel ang kanyang mata na tumingin.
Nag umpisa ng akitin sya ni Kasandra at kailangan nyang iwasan tumingin sa mga mata nito, dahil ma eengganyo sya dito, hinawakan ni Kasandra ang kanyang mukha at inihaharap ito sa kanyang mukha ngunit iniiwas nyang makatingin kaya pinikit nya ang kanyang mga mata at hinalikan nya si Kasandra sa labi, at binuhat nya at dinala sa kama, hindi nya ito tinitingnan sa mata, nag kunwang sabik din sya kay Kasandra...at tinanggal ni Daniel ang kanyang t shirt na puti at inumpisa nyang halikan si Kasandra sa leeg, habang ginagawa nya ito ay nakaramdam ng alab ng damdamin si Kasandra at napaniwala sya ni Daniel na nagnanasa ito sa kanya, habang hinahalikan ni Daniel ang mala Dyosang katawan nito ay nag iiba ang anyo ng mukha nya sa tuwing nadarama nito ang init ng katawan ni Daniel..

"Grrrrr" napapahiyaw na sabi ni Kasandra, at ng nakikita ni Daniel na nag uumapaw ang nararamdaman nito ay unti unti nyang kinuha ang patalim sa kanyang pantalon, walang humpay ang mga ungol ni Kasandra sa sobrang init na kanyang nararamdaman..

"GRRRR DDANIEL MAHALIN MO AKO, PALIGAYAHIN MO AKO GRRR" malamig na boses na sabi nito, at ng nakuha ni Daniel ang patalim ay binuksan nya ito at mabilis yang itinarak sa leeg ni Kasandra...at umagos ang mga dugo sa leeg nito...Itinulak ni Daniel si Kasandra..

"Layuan mo ako!" Galit na sabi ni Daniel habang itinulak nya ito.,,

"Grrrghh arggghh!"  Nagwawalang sabi  ni Kasandra habang hawak nya ang kanyang leeg na umaagos ang dugo..

Authors Note:

Hello there! Paki follow po ako para mabasa po ninyo ang susunod na chapters, then pag na follow nyo na po ako paki refresh! Thank you and enjoy reading ❤️

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon