Tinulungan ng lalaking driver si Leonardo na dalhin sa ospital si Elena.
Habang ibinababa sa emergency room si Elena ay nakita ni Leonardo ang libro na nahulog sa sasakyan at kanya itong kinuha at nilagay sa kanyang bag na may lamang mga laruan na kanyang nilalako.Ngunit pagdating sa emergency room ay wala ng buhay si Elena...ng nalaman ni Asunta ang nangyari kay Elena ay labis na nagdalamhati ito.
...
Makalipas ang ilang Linggo.Sa bahay .....
Pagod na pagod si Leonardo sa kanyang paglalako ng laruan, isa lamang ang kanyang naibenta sa buong maghapon at magdamag.Nagbukas ng delata ng sardinas si Leonardo at kumain.Matapos nyang kumain ay naghanda na ito sa kanyang pagtulog, nagpunta sya sa cabinet. Kumuha ng damit pantulog at ng kanyang kinuha ang isang lumang t shirt ay nahulog ang libro na kanyang napulot.Nang nahiga sa papag si Leonardo ay pinag masdan nya ang lumang libro.
"Ano kaya ang librong ito? Bakit ba nadala ko pa ito, nakalimutan ko ibigay doon sa katulong ni aling Elena, bukas ay isosoli ko na to, kayalang hindi naman kamag anak ni Elena yun, hmp bakit ko pa isosoli libro lang naman ito at luma pa."
Binuksan ni Leonardo ang libro at sulat kamay ang bawat pahina, ngunit hindi sya mahilig magbasa at hindi sya interesadong basahin ito.
Inilagay na lamang nya ito sa maliit na lamesa sa tabi ng kama at sya ay naghanda na sa pagtulog.Ngunit lumilipas ang mga sandali ay hindi dalawin ng antok si Leonardo kahit pagod ang pangangatawan nito.Kinuha nya ulit ang libro at binasa ang isang parte nito."Kinakailangang maglakad ng isang daang hakbang paatras upang hindi masundan ng maligno ang taong nasumpa!"
Kinilabutan si Leonardo ng nabasa nya ito.
"Sumpa? nakakatakot pala ito, isosoli ko na lang doon sa katulong, bahala na sya magbigay sa kamag anak ni Aling Elena." Sabi nya sa kanyang loob at sya ay nakatulog.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'
HorrorDaniel Espinosa Lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit hindi ito maaaring mahawakan. Author's Note Please follow me first before you read this para mabasa po ninyo full chapters.. Thank you so much...Enjoy reading! ? ONLY FOLLO...