Nakita nya ang kanyang sarili sa salamin.
Bumata sya at nag mistulang 21 years old, nawala ang mga kulubot at bumalik ang dati nyang maamo at guwapong mukha noong sya ay bata pa, at dagdag pa nito ay naging matipuno ang kanyang katawan at malasutlang mga balat at may kakaibang ning ning na wala sa iba.Para syang isang makisig na karakter sa mga libro, na walang nakaka alam kung mayroon nga bang totoong ganoong kagandang lalaki? O parang isang arkanghel na bumaba sa lupa? at ito ay taglay ni Leonardo."Ako ba ito?" Manghang manghang sabi nya sa sarili.
"Nanaginip ba ako?"
Hinubad nya ang lahat ng kanyang suot, at nakita nya ang kanyang hubad na katawan, kahit sarili nya ay naakit sa kanyang sarili..
Tinataas ni Leonardo ang kanyang mga matipuno na bisig at ramdam nya na malakas sya at wala na ang mga nararamdaman nyang panghihina at pananakit ng kanyang mga tuhod at likod. Sinalat nya ang kanyang matipunong dibdib, natural ang pagiging matipuno nito, hindi kagaya ng ibang lalaki na kailangan pang mag gym para lumaki ito, ang sa kanya ay natural at kung iyong iisipin ay napakaswerte ng babaeng makakahaplos at mayayakap nito, at ang kanyang mukha ay napakaamo na gaya ng mga anghel, ang kanyang kabuuan ay kaakit akit.
Luminaw ang kanyang mga mata at naging matalas ang pag iisip.
Batang bata na ang kanyang pakiramdam.At nagbago na din ang kanyang boses."Hindi ako makapaniwala na totoo nga ang nilalaman ng libro, kailangan kong ilihim ito, ngunit papano kaya ang aking mga anak kapag kanilang malaman? ililihim ko na muna ito sa kanila."
Masayang masaya si Leonardo habang pinagmamasdan nya ang kanyang buong kaanyuhan.Naghanap ng masusuot si Leonardo ngunit puro pang matanda ang kanyang mga damit.Naala nya na may naiwan na mga damit si Melvin, kinuha nya ito sa aparador, sinuot nya ang kupas na pantalon na maong ni Melvin at ang t shirt nito, at kanya itong isinuot , matipuno din ang katawan ni melvin dahil madalas itong mag gym kaya nagkasya ito sa kanya kahit medyo masikip ng kaunti, , kahit luma ang damit na iyon ay bakas na bakas ang kanyang kaguwapuhan.Kinuha nya ang enigma at balak nyang sunugin ulit ito, hindi sya nakaramdam ng takot dahil umaga na.
"Kapag sinunog ko ito ng umaga ay baka maaring mawala na ito, hindi ko ito kailangan!"
At nagpunta sya sa likuran at tumingin sya sa paligid, mataas ang sikat ng araw kaya wala syang naramdamang takot, at kanya itong sinindihan ngunit laging namamatay ang posporo sa tuwing ito ay kanyang sinisindihan, hanggang halos maubos na ang mga palito ay namamatay pa din ito kapag kanyang sinisindihan, pumasok sya ng bahay at doon nya ito tinangkang sunugin ngunit ganon pa din..
Pinagtatapakan nya ito ng kanyang paa na may suot na tsinelas ngunit hindi nagbabago ang anyo nito, hindi man lang ito nasisira,pinabayaan nya ang mga enigma na nasa sahig.Maya maya ay may kumatok sa pinto, kinabahan si Leonardo.
Sinilip nya sa bintana at nakita nyang ang kapit bahay na si Andres ang kumakatok.
Walang nagawa si Leonardo kundi pagbuksan ito.
Pagkabukas nya ng pinto ay nagulat si Andres ng nakita nya si Leonardo, para itong anghel na bumaba mula sa langit."Ano kailangan mo Andres?" Nadulas ang dila ni Leonardo., nawala sa isip nya na iba na nga pala ang kanyang anyo.
"Kilala mo ako, nasaan na si Mang Leonardo? "
Biglang binago ni Leonardo ang kanyang sinabi,
"Ah ...si..tsong Leonardo ?"
"Oo."
"Wala po, nasa Maynila na sinundo ng mga anak nya."
" Ganon ba, e kahapon lang nakita ko pa sya "
"Eh kanina pong madaling araw umalis."
"At sino ka naman?"
"Ah.? Pamangkin nya ( walang syang maisip na dahilan kaya ito ang kanyang nasabi,), ako na muna ang magbabantay dito habang wala ang Tiyong "
"Ah ganon ba? napakagandang lalake mo naman ah"
Ngumiti lamang si Leonardo sa kanya.
."Isosoli ko lang ang martilyo na ito, pakibigay na lang pag balik nya."
Kinuha ni Leonardo ang martilyo.
"Salamat!"
Paglabas ni Andres ay di ito makapaniwala na nakakita sya ng ganoong kakisig na lalaki.Pagka alis ni Andres ay bumalik sya ng kanyang silid upang tingnan muli ang kanyang anyo at nakita nya na nandoon muli ang enigma na nakapatong sa tukador...
Hindi na nya ito ginalaw at pinabayaan na lamang nya itong nakapatong doon."Kahit anong gawin ko sa bulaklak na yan magbabalik sya dito !" ..
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'
TerrorDaniel Espinosa Lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit hindi ito maaaring mahawakan. Author's Note Please follow me first before you read this para mabasa po ninyo full chapters.. Thank you so much...Enjoy reading! ? ONLY FOLLO...