Lingid sa kaalalaman ni leonardo ay gabi gabi ay nakabantay si Kasandra sa kanya, hindi ito nagpapakita sa kanya..dahil naaakit si Kasandra sa malaking pagbabago ng anyo ni Leonardo.
Lumipas lamang ang ilang araw ay nakilala na sya sa kanilang lugar bilang pamangkin ni Leonardo na si Daniel. Sa taglay nyang kakisigan ay maraming babae ang lumalapit sa kanya at nagbibigay ng motibo sa kanya. Laging may mga kumakatok sa bahay nya, may nagbibigay ng mga pagkain sa kanya makita lamang sya.Nung una ay pinapapasok nya ang mga ito ngunit kalaunan ay dumadami na sila kaya naisipan ni Leonardo na huwag ng pagbuksan ng pinto ang mga ito dahil nag kakagulo lamang ang mga babae sa kanya.Isang gabi ay may mga kabataang babae na namang nagkukumpulan ang kumakatok sa pinto.
"Ang hirap din pala magkaroon ng ganitong klase ng kakisigan, gaya ngayon ano gagawin ko sa mga babae sa labas, di ko naman sila pwede pakisamahan lahat, at isa pa yung mga kabataan parang anak at apo ko lang, papano na kaya ito?" Sabi nya sa kanyang sarili.
"DANIEL! Buksan mo naman ang pinto may ibibigay ako sayo!" Sabi ng isang tinig ng babae.
Tiniis ni Leonardo na hindi buksan ang pinto, dahil alam na nya ang mangyayari, gaya ng kailan lang nagkagulo ang mga ito sa loob ng kanyang bahay.
Hindi pa nahahaplos ang kanyang mga balat ay nag kakagulo na ang mga babae, lalo na kung mahaplos nila ito, kaya tiniis nya na hindi pagbuksan ang mga ito.
At, maya maya ay may dumating na mga taga baranggay at sila na ang nag paalis sa mga babae."Umuwi na kayo, huwag nyo na storbohin si Daniel, marami kayo nag iisa lang sya, hindi nya kayo mapapakisamahan lahat, mag si uwi na kayong lahat"
Walang nagawa ang mga babae kaya nag uwian na ang mga ito.
Ng nakauwi na ang mga babae ay binuksan ni Leonardo ang pinto at nagpasalamat sa mga taga baranggay."Maraming salamat sa inyo, di ko alam ang gagawin ko eh "
"Nako walang anuman yon, bakit ba kase ganyan ka kagandang lalaki eh?" Sabi ni Kapitan Isko, kapitan ng baranggay.
"Oo nga, ambunan mo naman kami kahit konti laang" sabi naman ng isang tanod.
Nginitian lamang sila ni Leonardo.
"Kailan ba babalik si mang Leonardo?"
"Ah eh, doon na sya mamamalagi sa mga anak nya at babalik na din ako doon"
"Ah ganon ba, matagal na nga sya gustong kunin ng mga anak nya, nakakaawa din at nag iisa sya at aalis ka na rin pala ng Santa Barbara, sayang naman nais ko sana na maanyayahan ka sa mga fiesta, babalik ka pa ba dito?"
"Hindi ko po alam."
"O sya sige at aalis na kami, sa tingin ko wala ng mang iistorbo sayo, napagsabihan ko na ang mga babaeng iyon, "
"Maraming salamat po kapitan!"
Nang nakaalis na ang kapitan at mga kasama nitong tanod ay sinara na ni Leonardo ang pinto.Ngunit biglang may kumatok ulit.
Sinilip nya ito sa bintana at nakita nyang ito ay walang iba kundi si Dolora.Binuksan nya ang pinto.
"Dolora?" Nakangiting sabi ni Leonardo.
"Oo ako nga, bakit mo alam ang pangalan ko?"
"Ah nabanggit ka kasi ng tsong bago sya pumunta ng Manila eh, halika tuloy ka!"
"Talaga papatuluyin mo ako?"
"Oo naman, ano kailangan mo?"
Pinapasok nya sa loob si Dolora.
"Gusto ko sana bumuli ulit ng laruan sayo, birthday kasi ng pamangkin ko " masayang sabi ni Dolora, ngunit hindi ito ang kanyang pakay, nais lamang nyang makita si Leonardo.
"Naku wala na akong tinda ngayon naubos kanina"
"Ah ganon ba, sayang naman."
Kahit nalaman ni Dolora na wala na syang mabibiling laruan ay ayaw pa din nyang umalis.
"Ano nga pala ang sabi sayo ng tsong mo tungkol sa akin?"
"Sabi nya maganda ka daw at kamukha mo daw yung anak nyang babae yung pinsan kong si Melina"
"Ah ganon ba?"
Nakatitig si Dolora sa kanya.
Nakaupo lamang si Leonardo, ngunit kahit nakaupo lamang ito at di nagsasalita ay napakalakas ng dating nito sa babae dahil sa kakaibang kakisigan nito at ningning ng kanyang balat.Hindi nakapagpigil si Dolora at nilapitan nya si Leonardo, iniiwas ni Leonardo ang kanyang sarili, naalala nya na sinabi sa libro na kung sino man ang makakahaplos ng kanyang balat ay iibig sa kanya ng wagas, gusto nyang makaranas muli ng pagtatalik ngunit parang anak lamang ang nararamdaman nya kay Dolora at wala syang nararamdaman na pagnanasa dito, maya maya ay biglang naghubad ng damit si Dolora.
"Huwag!"
"Binibigay ko ang sarili ko sayo Daniel, angkinin mo ako."
"Magbihis ka Dolora."
Habang nilalapitan sya ni Dolora ay panay naman ang iwas ni Leonardo,
"Daniel, mahalin mo ako, yakapin mo ako!" Nag mamakawang sabi ni Dolora.
"Hindi, hindi ko magagawa yan, umalis ka na!"
Maya maya... ay biglang may kumatok ng pinto ng malakas..
TOK...TOK...
"DOLORA!! DOLORA! ALAM KONG NANDYAN KA! BUKSAN MO ANG PINTO, HOY DANIEL ILABAS MO ANG ANAK KO!" nagwawalang sabi ng nanay ni Dolora.
"Ang nanay?"
Nagmadaling nagbihis si Dolora at tuloy pa din ng pagkatok ng malakas ng nanay ni Dolora at ng nakapagbihis ay lumabas si Dolora, ng nakita sya ng kanyang ina ay pinagalitan sya nito.
"Ikaw na bata ka kanina pa kita hinahanap, malandi ka! Pag aaral ang atupagin mo hindi ang lalaki na yan!! At ikaw Daniel layuan mo ang anak ko, kahit guwapo ka, wala kang karapatan kalantariin ang anak ko, walanghiya ka!"
At piningot ng nanay si Dolora..
"Aray! Tama na yan nay nasasaktan na ako!"
"Umuwi na tayo! At ikaw Daniel huwag ka na magpapakita sa anak ko, nag aaral pa ito at may mataas na pangarap ako sa kanya, ikaw nagtitinda ka lang ng laruan wala kang pinag aralan, tigilan mo anak ko!"
Galit na sabi ng nanay ni Dolora at umalis na ang mga ito.
.......
Nagpunta ng silid si Leonardo at humarap sa salamin at naghubad sya at pinagmasdan nya ang kanyang katawan, gusto nyang makaranas syang muli ng pagtatalik, ngunit hindi kay Dolora, Habang nakapikit si Leonardo at nakakagat ng labi ay wala syang kamalay malay na nakayakap ang estatwa ni Kasandra sa kanyang likuran.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'
HorrorDaniel Espinosa Lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit hindi ito maaaring mahawakan. Author's Note Please follow me first before you read this para mabasa po ninyo full chapters.. Thank you so much...Enjoy reading! ? ONLY FOLLO...