Chapter 46

1.9K 77 7
                                    

Kinaumagahan ay maagang lumabas ng penthouse si Daniel at pinuntahan nya si Belle sa malaking bahay nito.

Sabik na nyang makita si Belle...sa wakas ay malaya na sya kay Kasandra.

Pagdating nya doon ay nakita nyang bumukas ang gate at lumabas ang kotse ni Belle.

Ng napadaan sya sa tapat ng gate ay tinanong nya sa guard kung saan ito pupunta,

"Pupunta na ng america si mam Belle, magtatagal sya doon." sabi ng guard.

"Hindi!" Nag aalalang sabi ni Daniel,

Hinabol nya si Belle ,  nakita nya ang sinasakyan nito na lumiko sa kanan sa isang street ng forbes park. At niliko din nya ang kanyang sasakyan at binilisan nya ang pag didrive para matapatan nya ang sinasakyan nito at kanyang binusinahan..

Samantala nasa backseat si Belle at naghihinagpis, at narinig nyang may nag bubusina at ng kanya itong sinilip ay nakita nya ang kotse ni Daniel.

"Bilisan mo, ayoko na syang makita!" sabi ni Belle sa driver nito,

At lalo naman binilisan ng driver ang pagmamaneho.

Ilang sandali ay nagkatapat ang kanilang sasakyan..

"Belle patawarin mo na ko, ipahinto mo ang sasakyan, mahal na mahal kita!"

Hindi sya kinikibo ni Belle, malapit na ang main gate palabas ng forbes park,

Ang ginawa ni Daniel ay inunahan nya ito at bigla nyang hinarangan ang daan ng kanyang sinasakyan..

Napahinto ang kotseng sinasakyan ni Belle.

Bumaba si Daniel at hinarang nya ang sarili nya sa harap ng kotse ni Belle.

"Patawad Belle, pasagasaan mo ako kung gusto mo!"

Bumaba ng kotse si Belle.

"Ano ba Daniel, pabayaan mo na ako, hindi ko na kaya ang ginagawa mo sa akin."

Naiiyak na sabi ni Belle.

At nilapitan sya ni Daniel at bigla syang hinawakan ito sa kanyang mga kamay.

Doon lamang sila unang nagkahawakan ng mga kamay.

At habang hinahawakan nya ang mga kamay nito ay hindi makapaniwala si Belle, ramdam ni Belle ang bawat balat ng kamay ni Daniel na dumadampi sa kanyang mga palad, at nakaramdam sya ng kakaibang init sa kanyang katawan.

"Oh my!" Manghang sabi ni Belle.

Hinihigpitan nila ang paghawak sa isa't isa habang nagtitinginan sila.

At pinadaan ni Daniel ang kanyang mga daliri sa braso hanggang mukha ni Belle, at bigla sya nitong hinalikan sa labi.

Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ni Belle ng naghahalikan sila ni Daniel, matagal na nya itong inaasam asam.At lasap nya kung gaano katamis ang mga halik ni Daniel na walang katulad.

"Oh Daniel." Maligayang sabi ni Belle at walang patid ang kanilang paghahalikan...

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon