Hingal at pagod si Leonardo nang nakarating ito sa kanyang bahay.
At hawak nya ang kambal na bulaklak, nakuha niya ang enigma ng hindi nito sinasadya, nagkanda sugat sugat ang kanyang kamay sa mga tinik ng Enigma.
Pinagmasdan nya ang kambal na bulaklak.
"Ano kaya ang maidudulot ng benditas na ito sa akin?Totoo kaya ang nakasulat sa libro?" bulong sa kaniyang loob.Inihiwalay niya ang enigma na may mga tinik.
"Bakit nakuha ko ito? Hindi ko to kailangan!"
Pumunta siya sa banyo at kanyang inilagay sa inidoro at binuhusan ng tubig, ngunit hindi ito lumulubog at hindi rin nalulusaw, nagtataka si Leonardo.
Kinuha nya itong muli gamit ang kawayan na stick, at kusa itong natuyo , balak na lamang niya itong sunugin, nagpunta si Leonardo sa likuran at doon ay balak na niyang sunugin ito, ngunit nang kaniyang sisisndihan ang posporo, ay biglang may narinig syang himig ng nag pipiano!
DO MI FA LA LA
"Ano yun? Himig ng piano?" Kinilabutan si Leonardo sa kanyang naririnig..
Naalala nya na may nabasa sya sa libro tungkol sa nakakakilabot na himig na iyon.
At sa tuwing maririnig ang isang misteryosong himig ng piano ay ito na ang hudyat na magpapakita ang Estatwa ni Kasandra? At nang naalala ito ni Leonardo ay nakaramdam sya ng takot.
"Magpapakita ang Estatwa ni Kasandra! Hindi!" Laking takot na bulong sa kaniyang loob.
Hindi na siya makagalaw sa kanyang kinalalagyan, at maya maya ay nawala ang himig at may narinig syang naglalakad papalapit sa kanya na yabag ng isang matigas na bagay.
TIK TIK TIK.....
Kinikilabutan si Leonardo sa kanyang naririnig at nakadama sya ng labis na takot..
At ilang sandali lamang ay nakita niya ito at ito ay lumalapit sa kanya.Di niya gaanong mabanaag ang itsura nito dahil madilim, at patuloy ito sa paglapit.
TIK...TIK,...TIK....
Maya-maya nang malapit na sa kaniya ito ay doon nya nakita ang kabuuan nito,
Laking gimbal ni Leonardo nang nakita nya ang estatwa ni Kasandra, kahoy na estatwa at inaanay at pula ang mga mata.Nanlilisik ang mga tingin nito sa kanya.
Nabitawan ni Leonardo ang posporo..at biglang umihip ang malakas na hangin.
"Ahhhhh!" Naghihiyaw na sabi ni Leonardo ngunit walang nakakarinig sa kanya..
Napapikit sa takot si Leonardo, hindi siya makatakbo, may pumipigil sa kanyang mga paa, at tinakpan niya na lamang ng kanyang mga kamay ang kanyang mga mata..at takot na takot syang mahawakan sya nito , wala syang magawa.At maya maya ay biglang huminto ang ihip ng hangin at unti unti nyang tinanggal ang kanyang mga kamay sa kanyang mga mata at nawala na ang Estatwa.Doon lamang nakatakbo si Leonardo.
Pumasok sya ng kanyang silid at sinara ang pinto.
"Nasundan ako dahil nakuha ko ang enigma? Pero di ko sinasadya!"
Nakiramdam ng gabing iyon si Leonardo ngunit tahimik na ang paligid.
Hanggang nakatulog ito sa sobrang pagod.Lingid sa kanyang kaalaman ay
Nakatayo si Kasandra sa tabi niya habang ito ay natutulog.
"Sa wakas ay nakalabas akong muli! Hahaha!" Nakangising sabi ni Kasandra.
At bigla na lamang itong nawala.
Naalimpungatan si Leonardo at tumingin sa paligid, at laking gulat nito nang nakita nyang nandoon muli ang enigma na nakapatong sa lamesita, at nakaramdaman ito ng kakaibang lamig sa paligid.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'
TerrorDaniel Espinosa Lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit hindi ito maaaring mahawakan. Author's Note Please follow me first before you read this para mabasa po ninyo full chapters.. Thank you so much...Enjoy reading! ? ONLY FOLLO...