Chapter 35

2.1K 73 2
                                    

Kinabukasan....

ay nabalita sa tv ang nangyari kay Almira...

Usap sapan ito sa Greyson.

Nagkukumpulan ang mga agent kasama  si Melvin at Ingrid.

"Nabalitaan nyo ba yung nangyari dun sa kliyente ni Daniel?"  sabi ni cora sa mga kasama.

"Oo nga, sya ang nabiktima nung halimaw, nakakatakot." sabi naman ni Ingrid.

.....

Samantala usap usapan din sa boutique ni Belle ang nangyari kay Almira.

At nag ring ang telepono.

Sinagot ni Belle habang abala ang kanyang mga katiwala na nagkukuwentuhan tungkol sa balita.

"Hello?"

"Alam mo na sigurado ang nangyari kay Almira, nakakakilabot!" Sabi ni Vicky sa kabilang linya.

"Oo, heto nga at usap usapan dito eh, hay nakakaawa din si Almira, bakit natiyempuhan pa nya yung halimaw na yun."

"Hmmn, oo nga, kaya mag ingat tayo, hanggat hindi nahuhuli ang halimaw na yun ay walang ligtas, nakakatakot."

Tanghali na ay natutulog pa si Daniel at sya ay nananaginip.

Napanaginipan nyang nakikipagtalik sya kay kasandra na anyong babae.

"Huwag lumayo ka!" Sabi ni Daniel.

At may nakita syang isang magandang babae na nakasuot ng kulay puti,sya ang diwata ng benditas, at sinabi nitong...

"Kailangan mo masugatan si Kasandra sa anyong babae at buhusan ng banal na tubig ang kanyang sugat na may dugo." At bigla itong nawala...

At bigla syang nagising....

"Mamayang gabi na ang kabilugan ng buwan?" Nag aalalang sabi ni Daniel sa kanyang sarili

.......

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon