Chapter 6

2.6K 92 2
                                    

Kinagabihan ay pinag patuloy basahin ni Leonardo ang libro hanggang ginabi gabi nya itong basahin hangga't nalaman nya ang buong lihim.....


ANG LIHIM     

Benditas: Ito ay isang uri ng bulaklak na kamukha ng pulang rosas, ngunit ito ay walang mga tinik.Ang bawat talutot nito ay nagtataglay ng kapangyarihan na ang sinomang gumamit nito ay magkakaroon ng namumukod tangi na kagandahan at malasutlang mga balat na walang katulad, at ang sinoman ang makahaplos nito ay mapapaibig ng wagas.

Enigma: Ito ang kakambal ng Benditas ngunit ito ay matitinik, ang sinomang gumamit ng bawat talutot nito ay tutubuan ng mga butlig, hanggang sa dumami ito at mangingitim ang mga balat, at mangungulubot na kagaya ng balat ng isang puno papunta sa pagiging isang halimaw.

TAGONG GUBAT NG STA BARBARA: Sa kagubatang ito matatagpuan ang Kambal na bulalak. Matatagpuan ito sa kagubatan ng Sta. Barbara, lalakarin ito ng limang oras o higit pa.At kapag narating ang pusod ng kagubatan ay may puting hamog na animo ay makapal na usok.Nasa loob nito ang pinaka pusod ng kagubatan at doon matatagpuan ang halamanan ng benditas.At nag iisa lamang ang bulaklak na ito, kapag ito ay napitas ay mayroon uli na bagong uusbong.

Nilipat niLeonardo ang pahina ng libro at nakita nyang ibang sulat kamay na ito, at pinagpatuloy nya itong basahin.

Ngunit ang sinomang nagtatangka na kunin ang kambal na bulaklak ay hindi nakakalabas ng buhay sa pusod ng kagubatang ito, at walang sinoman ang nakakaligtas.Ngunit kayroong lihim upang makaligtas sa gubat.

LIHIM NG PUNO NG HERMOSA:Ito ay matatagpuan sa dalampasigan ng batis sa Santa Barbara. Nasa bunga nito ang lihim upang makalabas ng ligtas sa pusod ng kagubatan, kailangang kainin ang isang bunga nito bago pumasok sa pusod ng kagubatan, at kapag ito ay kinain ay magkakaroon ng panibagong lakas at mawawala ang takot ng sinomang kakain nito, at hindi ito kayang lapitan at iligaw ng kahit anong maligno sa loob ng kagubatan. At mayroon itong Isang oras na bisa sa loob ng kagubatan.

"Nagbago na ang sulat kamay ng sumunod na mga pahina? " nagtatakang sabi ni Leonardo sa kanyang sarili.

At nakita nyang nakalagay na pangalang 'Carmen'.

"Ah, ibang tao na ang tumapos ng diary na ito ..nakakakilabot!"

Sabi ni Leonardo sa kanyang sarili...

......

"Susubukan kong makuha ang mga Benditas na iyon, ngunit may kakambal ito ang enigma, ayon sa libro .... ito ay pampapangit, hindi ko ito kailangan, wala akong balak gamitin ito para makapinsala ng iba, ano kaya mangyayari sa akin kapag ginamit ko ang benditas?"

Humarap sa salamin si Leonardo.Nakita nyang matanda na sya at hindi na sya natatakot kung anuman ang mangyari sa kanya.Nakasulat sa libro ang mga detalye kung papano makakapasok at makakalabas ng ligtas ng gubat.

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon