Kinabukasan ay nag paalam na ang mag kapatid.
"Tay itago ninyo itong cell number at address namin ni Melina ha, huwag nyong iwawala."
Sabi ni Melvin habang nagpapaalam sa ama.Kinuha ni Leonardo ang papel."Maki txt na lang po muna kayo tay pag may kailangan kayo, babalik po ulit kami pag may pagkakataon." sabi naman ni Melina.
"O sige mga anak, mag iingat kayo sa biyahe, huwag niyo pabayaan ang apo ko ha."
"Opo, at hanggat maari tay ay pumunta na kayo doon, tawagan n'yo lang kami." ani Melvin.
"O sige, gaya ng sabi ko sa inyo mag iipon lang ako."
"Ok tay sige po alis na kami."
At nagyakapan sila..Malungkot sila ng sila ay umalis.
.......
Nang naka alis na sila ay nag umpisa ng muli maglako ng laruan si Leonardo at dinala nya ang libro upang ibalik sa kamag anak ni Elena.At nagawi sya sa bahay nila Elena, ngunit wala ng tao dito..Ilang beses nag doorbell si Leonardo ngunit walang nagbubukas ng pinto, at may lumapit na kapitbahay na babae.
"E amang, wala na po nakatira dyan, mula ng mamatay si aling Elena ay sinara na po yan."
"Ah ganon ba?" Nagpatuloy na lamang mag lako si Leonardo.
...
Bandang hapon ay naupo si Leonardo sa isang tindahan para magpahinga, kinuha nito ang libro at kaniyang binasa.
"Si Kasandra ay isang anak ng katiwala na si Aurora, si Kasandra ang naatasan na taga pag alaga kay Beatrice, bagamat magkasing edad sila ay naging magkaibigan sila at sinama ni Beatrice si Kasandra sa The Night to Remember, ngunit si Kasandra ang naibigan ni Leandro at umibig ito ng wagas."
"Hmmn? Anak ng katiwala at ang taga pag alaga ni Beatrice ang naibigan ni Leandro Montreal? Bakit kaya nangyari yon?' Sabi ni Leonardo sa kanyang isip..at tuloy nya itong binasa.
"Ngunit lingid sa kaalaman ni Leandro ay nilinlang lamang sya ni Kasandra, ang taglay nitong kagandahan ay hindi totoo, at ang pag ibig na kanyang nadarama ay isang paglilinlang lamang,"
Napaisip si Leonardo sa kanyang nabasa, hindi nito maunawaan ang ibig sabihin nito,
Maya maya ay tinawag sya ng may ari ng tindahan.,
"Ano po ba ang bibilhin ninyo?" Pagalit na sabi ng tindera.
"Ah wala po, nagpahinga lang sandali."
Ilang sandali ay dumating si Dolora upang bumili ng gatas ng kapatid.
Naka uniform pa ito galing eskwelahan sa kolehiyo.Nang nakita sya ni Leonardo ay napatitig syang muli kay Dolora.Matapos bumili ni Dolora ay binati sya ni Leonardo.
"Dolora kamusta na?"
Nang nakita sya ni Dolora, ay binati rin siya nito, ngunit matipid ang kaniyang mga ngiti.
"Mabuti naman po."
Pagkasabi ay umalis na agad si Dolora ngunit biglang natalisod ito at nadapa.
Nilapitan agad ni Leonardo at kanyang tinulungan, at nang nahawakan niya sa mga balikat si Dolora ay...
"Huwag nyo na po ako hawakan, kaya ko ang sarili ko." iritang sabi ni Dolora.
Tumayo si Dolora at pinagpag ang nadumihan nyang palda.
"Baka nasugatan ka?"
"Hindi, salamat na lang po." at umalis na agad ito.
Sa paglalakad ni Dolora ay nakasalubong nito si Josie, at napansin nitong nakasimangot si Dolora.
"Oi, bakit nakasimangot ka?"
"Ah wala, natalisod ako sa banketa, buti na lang at wala akong galos."
"May tumulak ba sayo ?"
"Walang tumulak sa akin."
"Eh bakit parang galit ka?"
"Eh kasi yung matandang yun eh!"
"Sinong matanda?"
"Yung nakaupo doon sa harap ng tindahan."
Tinanaw ni Josie ang tindahan at nakita nya si Leonardo na nakaupo.
"Ah si mang Leonardo, yung naglalako ng mga laruan?'
"Oo,"
"O eh bakit naman, ano ginawa nya?"
"Tuwing nakikita ako tingin ng tingin eh, tapos kanina nung nadapa ako, hinawakan pa ako sa balikat at sa braso, kinilabutan tuloy ako."
"Haha, baka naman tinutulungan ka lang, ikaw naman kung mag isip ka eh."
"Hmp..basta iba yung naramdaman ko eh, pati yung mga tingin nya, nandidiri ako ewww!"
Authors note:
Please comment if you want to read the next chapter, thank you :)
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'
TerrorDaniel Espinosa Lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit hindi ito maaaring mahawakan. Author's Note Please follow me first before you read this para mabasa po ninyo full chapters.. Thank you so much...Enjoy reading! ? ONLY FOLLO...