Nung gabing iyon ay nakabalik na si Daniel sa tindahan ni Olivia at natulala si Olivia ng nakita nyang nakasuot si Daniel ng pang mayaman na kasuotan na lalong bumagay sa kanyang itsura.
"Ang ganda naman ng suot mo, kanino galing yan?"
"Pinahiram ng kaibigan ni Elmer si Belle."
"Belle? Ah natatandaan ko sya, madalas sya maikuwento ni Elmer sa akin, kamusta na, may trabaho ka na ba?"
"Oo natanggap agad ako ni Sir Henry at alam mo ba, nakabenta agad ako ng di ko inaasahan."
"Wow! Talaga Congrats !"
"Salamat, syanga pala nasan na yung bag ko?"
"Sandali at kukunin ko."
Kinuha ni Olivia sa silid at binigay ito sa kanya, pagkahawak ni Daniel ng bag ay binuksan nya agad ito at tiningnan nya ang benditas at nakita nyang nandoon pa din ito, isang talutot pa lamang ang kanyang nagagamit, ang pagkaka alam lamang nya ay unti unti itong ginagamit at ang pinaka huling talutot ang magbibigay ng permanente nyang anyo, ayaw nya itong madaliin, dahil gaya ng nabasa nya sa libro, ang huling talutot ang nakaalis ng sumpa, naisip nya na kung may masamang mangyari ay may panlaban pa sya, ngunit kapalit ng kanyang kaanyuan, kaya pinapatagal nya ang pag gamit ng mga talutot ng benditas para pag aralan ang misteryo nito,
at gusto na nya ulit gumamit ng isa ng gabing iyon,."Pwede ba akong makiligo." sabi ni Daniel kay Olivia.
...
Habang naliligo si Daniel ay panay ang silip ni Olivia sa may maliit na butas ng banyo at naaakit sya sa matitipunong katawan at kakaibang kaguwapuhan nito, hindi napansin ni Olivia na may nilagay si Daniel sa tabo na talutot ng benditas.Maya maya ay lumapit si Vina, ang tindera sa tindahan ni Olive, kadadating nito ng hapon na iyon."Ate Olive sino ang naliligo sa banyo?" Nagtatakang sabi ni Vina.
"Ah, si Daniel dito sya ngayon matutulog."
"Kaano ano mo sya?"
"Boyfriend ko."
"Ah ganon po ba , dalawang araw lang ako nawala may boyfriend ka na agad."
"Matulog ka na nga at maaga ka pa magbubukas ng tindahan bukas."
"Ok ate matutulog na ako."
Maya maya ay lumabas si Daniel ng nakatapis lamang ng tuwalya at nagpunta sya sa salas ngunit nawala ang bag nya, kinabahan sya.Nilagay pala ito ni Olivia sa kanyang kuwarto.
"Halika nasa kuwarto ang gamit mo doon ka na magbihis kasi dumating ang kasambahay ko eh, baka makita ka pa nyang nagbibihis dyan."
Pumasok sa loob ng silid si Daniel.
At habang naghahanap ng damit si Daniel ay nagulat na lamang sya ng biglang niyakap sya ni Olivia.
"Daniel! Oh Daniel!"
"Olivia hindi_____"
Bigla na lamang syang hinalikan ni Olivia at hinubad nito ang kanyang suot na sando at shorts, nakaramdam si Daniel na muling nabuhay ang kanyang pagkalalaki, hindi napigilan ni Daniel ang kanyang nararamdaman at bigla nalamang nyang hinalikan si Olivia sa labi, nag aalab ang damdamin ni Olivia ng hinalikan sya ni Daniel, para syang nasa langit ng hinahalikan sya nito, at ganon din ang nararamdaman ni Daniel, sabik na sabik si Daniel habang niyayakap at hinahalikan nya si Olivia, ngayon lamang nya ulit makakaranas ng ganoong pakiramdam, ilang dekada na ang nakakaraan ng huli syang nakaranas ng pag iibigan, ngunit mas labis ang kaligayahang nadarama ni Olivia ng sya ay niyayakap at hinahalikan nito at tinanggal ni Daniel ang tuwalyang nakabalot sa kanyang ibaba, ngayon lang muli itong naghumindig sa matagal na pagkahimlay, lalong umiigting ang pagnanasa nila sa isat isa habang naghahalikan sila.
At nagaganap ang kanilang pagtatalik, ngunit habang ginagawa nila iyon ay bigla na lamang nyang narinig ang himig ng piano...
DO MI FA LA LA........at biglang napahinto sya sa kanyang ginagawa.
"Daniel ituloy mo huwag mong ihinto ohh!" Sabi ni Olivia.
"May naririnig ka ba na nag pi piano?" sabi ni Daniel kay Olivia.
"Ano yung sinasabi mo? wala akong naririnig, ituloy na natin..."
At maya maya ay nawala ang himig ... pinikit ni Daniel ang kanyang mga mata at kanyang pinagpatuloy ang pakikipagtalik kay Olivia.
Habang nagtatalik sila ni Olivia ay nasa likod na nila si Kasandra at nanlilisik ang mga mata nito sa galit.
"Arghhh!!!" Sabi ng estawa ni Kasandra.
.....
At ilang sandali pa ay nahiga sila sa kama ng magkayakap."Daniel, hindi ako makapaniwala, ang sarap ng aking pakiramdam, mula ngayon tayong dalawa na?"
Hindi makakibo si Daniel...
"Doon na ako sa sala matutulog." sabi ni Daniel.
"Hindi dito ka sa tabi ko." at niyakap sya ni Olivia, nakakagat sa labi si Olivia habang nakayakap sya sa mga dibdib at bisig ni Daniel, pakiramdam nya ay sya na ang pinaka maswerteng babae sa balat ng lupa.
Habang natutulog si Olivia ay naalimpungatan si Daniel at nakita nya ang estatwa ni Kasandra.
Nagimbal sya ng kanya itong nakita, at biglang nawala sya sa sarili. Biglang lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay, at tumayo ito, pumunta sya kung saan ang kanyang bag at kumuha ng isang talutot ng enigma at nilagay nya sa baso na may tubig at tinanggal nya ang kumot ni Olivia at ibinuhos nya ito sa hubad nyang katawan.
Nagising si Olivia."Daniel bakit mo ako binasa!?"
Biglang natauhan si Daniel at nakita nyang may hawak syang baso na wala ng lamang tubig.
At nakita nyang basa ang katawan ni Olivia,
"Ha? Pasensya na baka nanaginip lang ako."
Pinunasan na lamang ni Olivia ang kanyang katawan at yumakap muli kay Daniel.
"Mahal na mahal kita." sabi ni Olivia sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'
TerrorDaniel Espinosa Lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit hindi ito maaaring mahawakan. Author's Note Please follow me first before you read this para mabasa po ninyo full chapters.. Thank you so much...Enjoy reading! ? ONLY FOLLO...