Sumunod na mga araw ay lalong dumadami na ang mga butlig ni Olivia..
Nang nakita ito ni Vina ay kinilabutan ito."Ate napakadami na nakakadiri!"
"Tumigil ka nga Vina, mawawala din ito."
Lumabas ng silid si Daniel at hindi na ito nag almusal.
"Aalis na ako."
"Mag almusal ka na muna."
"Hindi na, kailangan kong makapunta ng maaga sa opisina, maraming buyer ngayon."
At ng kanyang hahalikan si Olivia ay nakita nya ang dumadaming butlig nito sa may leeg,
" Olivia, ang dami na?"
"Hindi ko alam."
Niyakap nya si Daniel.
"Baka makakita ka ng iba, mawawala din ito mawawala din ito!" parang nababaliw na sabi ni Olivia, natatakot syang iwanan sya ni Daniel.
"Huwag ka mag alala ipapagamot natin yan, busy lang ako ngayon."
Ng biglang lumapit si Vina.
"Kuya Daniel, eto yung jacket mo." matatamis na sabi nito
Nakasuot ng manipis na kamison si Vina at nakabakat ang mga dibdib nito,
Napatingin si Daniel sa kanya at nginitian din sya nito ng matatamis na mga ngiti.
At ng napansin ito ni Olivia ay pinagsabihan nya agad si Vina."Pumasok ka nga ng tindahan malandi ka!"
........
Nasa opisina si Henry at may maganda itong binalita kay Daniel."Dahil sa marami ka ng sales na mga condo unit ay binibigyan ka ng Greyson Group ng brand new na luxury car at higit sa lahat mag kakaroon ka na ng sarili mong suite."
" Talaga sir, wala pa ako isang buwan?"
"Sa laki ba naman ng nai ambag mo sa kumpanya ay maliit na bagay lamang yon, basta hindi ka lamang aalis dito."
"Hindi ako aalis dito sir Henry."
"Kung gayon binabati kita, sa susunod na mga araw ay mapapasaiyo na ang kotse at ang sarili mong suite with full interior na yun."
Masayang masaya si Daniel sa mabilis na pagbabago ng kanyang buhay.
Paglabas nya ng opisina ay kinamayan sya ng mga kapwa nya agent, lalong na iinlove ang mga babae sa kanya.Hinahanap nya si Ingrid ngunit wala ito."Nasaan na si Ingrid?"
"Hindi pa nga pumapasok eh, baka ma late sya." sabi ni Beth.
"Bakit mo sya hinahanap." tanong ni Cora,
"May gusto sana akong ibigay sa kanya, pwedeng paki bigay ito kay Ingrid."
Si Beth ang kumuha ng bigay ni Daniel.
"Ako na ang magbibigay pagdating nya."
"Sige mauna na una ako umuwi, bukas ili libre ko kayo lahat sa labas, mag didiwang tayo."
"Talaga! Magdidiwang talaga ha!"sabi ni Cora
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'
KorkuDaniel Espinosa Lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit hindi ito maaaring mahawakan. Author's Note Please follow me first before you read this para mabasa po ninyo full chapters.. Thank you so much...Enjoy reading! ? ONLY FOLLO...