Chapter 16

2.6K 78 0
                                    


Pumarada sila sa tapat ng isang malaki at mataas na condo building at pag baba nila ng taxi ay napatingala si Daniel sa taas nito at may nakasulat na Greyson.
Pumasok sa loob ng opisina si Elmer at iniwan na muna nya si Daniel sa labas, nakaupo si Daniel sa waiting area.

"Ikaw pala Elmer musta?"

"Hi Henry, may ipapasok ako para magtrabaho dito, sana ay magustuhan mo." sabi ni Elmer kay Henry, sya ang General Manager ng Greyson sa building na iyon.

"Ganon ba? Good timing! naghahanap ako ng mga bagong agent."

"Well sana magustuhan mo ang ipapakilala ko sayo."

"Hmm? May experienced ba?"

"Yun nga lang wala pa."

"Kayalang mahirap pag walang experience, hindi ako tumatanggap ng ganon Elmer, pasensya na."

"Talaga? well, tingnan mo na muna bago ka tumanggi."

Lumabas ng silid si Elmer at tinawag nya si Daniel.
At pumasok ito sa loob.At ng pinakita ni Elmer si Daniel ay laking mangha ni Henry ng nakita nya ito.

"Ano pangalan mo?"

"Daniel Espinosa po."

"Wala kang experienced diba?"

"Wala Sir."

"Well! ... Tanggap ka na!"

"Talaga? Salamat po." masayang sabi ni Daniel.

"Haha sabi ko na eh!" Sabi naman ni Elmer.

"Ako si Henry Soler ang General Manager dito."

Nilapitan agad sya ni Henry naisip ni Henry na malakas ang personalidad nito na makaakit ng mga buyer, konting training lang ay pwede na, kaya nung mga oras na iyon ay nilibot sya sa condo at tinuruan sya kung papano ang mga gagawin.
Nauna ng umalis si Elmer dahil may trabaho pa ito kaya naiwan si Daniel...

"Ito ang mga model room natin, kapag mag bebenta ka, kailangan ay laging magalang at nakangiti." sabi ni Henry kay Daniel.

Nakita si Daniel ng ibang mga agent na mga babae at lalaki,

"Wow may bagong agent napakaguwapo nya." sabi ni Roda.

Nagtinginan ang mga babae.

"Magkakaroon tayo ng matinding kakumpetensya." sabi naman ni Rob..

Nilapitan ni Henry ang mga agent at pinakilala si Daniel sa kanila.

"Sya si Daniel Espinosa ang bagong agent ng Greyson group!"

Nakangiti ang mga babae sa kanya samantalang ang mga lalaki ay nakaramdam ng selos.Nagpakilala ang mga ito sa kanya.
Isa si Ingrid sa mga babaeng agent at sya ang pinaka maganda sa kanila.
Matapos magkakilanlan ay pumasok ng opisina si Henry kasama si Daniel at
Sila ay nag usap para sa kanyang magiging trabaho.

"Kapag nakapag benta ka ng isang unit ay makakakuha ka ng 10 porsyento, sa tuwing magbabayad ang buyer kung hulugan, pero kung cash ay mas malaki ang iyong makukuha at hindi lang yon, ang bawat unit ay may patong kang isang Milyon, dahil siguradong tatawad sila, kaya swerte ka kung walang tatawad at kung may matira ay sayo na, ngunit bihira lamang ang nakakagawa ng ganyan dahil walang buyer na hindi tumatawad ng isang milyon minsan mas higit pa ang tinatawad nila, kaya good luck na lamang sayo"

"Talaga sir?" Di makapaniwala si Daniel na malaki pala ang kikitain kung makakabenta sya kahit isa lang, yung porsyento lamang ay ok na...lalo na kung walang tumawad.
"Oo naman, ang Greyson Group ang may pinakamalaki magbigay ng porsyento sa mga real state agent kumpara sa iba."

"Malaki po pala ang kikitain, magkano po ba ang isang unit?"

"Ang pinakamura ay 10 milyon at ang pinaka mahal ay 45 milyon."

"Ang mahal pala." nalululang sabi ni Daniel.

"Ang Greyson Group ang isa sa pinakamamahaling condominiums dahil hi tech ang mga unit dito at marami tayong branches, may mga townhouses din at mga lupain."

"Ah malaki palang kumpanya ito, Sana makabenta ako sir."

"Kung di ka makakabenta ay may allowance ka naman na makukuha pero wala kang kikitain, bukas ay may diner party dito, linggo linggo ay ginagawa ito ng kumpanya. Nag iinbita kami ng mga mayayaman na sure buyer, pero kanya kanyang diskarte ang mga agent na kagaya mo kung makukuha mo sila, marami tayong ibang kumpanya na kakumpetensya, kaya pag nakausap mo sila ay diskarte mo na yan, kaya good luck sayo Daniel."

"Gagawin ko ang aking makakaya sir Henry."

"Hmmn, mabuti kung ganon Welcome to Greyson Group." masayang sabi ni Henry.

Matapos nilang mag usap ay nagpaalam na si Daniel.

"Bukas ay maaga kang pumunta para ma train ka , para maging handa ka bukas ng gabi."

"Opo sir Henry bukas maaga ako."

Paglabas nya ng opisina ay nakita nya ang mga agent na may kanya kanyang buyer na ina assist na ipakita ang mga model house, ngunit hirap silang makumbinsi ang mga ito para bumili.

"Sige na po mam, malaki na po ang discount ng condo na ito, may libre pa pong 42 inches LED TV " sabi ni Ingrid sa kliyente na mayaman, ngunit tinitingnan lamang nya ang paligid ng model house at hindi ito interesado kaya lumabas ito, at paglabas ng kliyente ay nakita nya si Daniel na naglalakad sa hallway.

"Sino sya?" Nakatingin ito kay Daniel na nag hihintay ng sumakay ng elevator.

"Sya po si Daniel bagong agent dito mam."

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon