Isang hapon.
Nasa coffee shop si madame Belle at Elmer kasama ng dalawa pa na kaibigan, si Vicky at Brenda., byuda si Vicky at hiwalay din sa asawa si Brenda, mag kakasing edad sila ni Belle, si Elmer lang ang pinaka bata sa kanila.
"Belle, nabalitaan mo na ba na si Almira ang kinakasama ngayon ng ex husband mo at balita ko magpapakasal na ata sila?" sabi ni Brenda na kakagaling lamang mag tour ng Italy.
"I don't care!" naka irap na sabi ni Belle.
"Papano kaya to? na invite ko si Almira sa birthday ko baka isama nya si Lester?" sabi naman ni Vicky..
"Ano? Im sure isasama nya si Lester, my gosh baka makita ko si Lester, ayoko na sya makita." sabi ni Belle.
"Sorry di ko alam na sila na pala ngayon eh, papano kaya yan?" Sabi ni Vicky.
"And so what, may bago kayang suitor si madame ngayon at saksakan ng guwapo." Masayang sabi ni Elmer.
"Ano ka ba Elmer, sino naman yun?" Sabi ni Belle.
"Si Daniel!"
"Hindi, hindi naman nanliligaw sa akin yon, ikaw talaga Elmer baka maniwala sila."
"Sya ba yung nakita namin nung kinuha namin ang damit sa iyong boutique, yung saksakan ng guwapo na parang isang arkanghel na bumaba sa lupa?" Sabi ni Brenda.
"Oo nga sino nga pala sya?" Sabi naman ni Vicky,
"Well, Daniel ang pangalan nya."
"Hmmn taga saan sya ano trabaho nya?"
"Isa syang real state Agent, sya ang number one ng Greyson group ngayon." Pagmamalaking sabi ni Elmer
"Naku Belle napakapalad mo kung magiging boyfriend mo sya may gosh, ngayon lang ako nakakita ng ganoong kagandang lalaki haha!" Kinikilig na sabi ni Vicky.
"Haha sinabi mo pa!" Sabi ni Elmer.
"Kayo talaga, hindi sya nanliligaw ok, at sa tingin nyo ba magugustuhan nya ako sa edad kong ito, ano ba naman kayo."
"Naku Belle, madali lang yan, ano ang ginagawa ng kayamanan natin dyan, alam mo naman ang panahon ngayon, basta meron ka makukuha mo gusto mo." nakatawang sabi ni vicky
"Oo nga Belle use your wealth." sabi naman ni Brenda.
"Ano ba naman kayo, ayoko ng ganon, iba pa din yung alam mong mahal ka rin nya, pero imposible talaga."
"Wala ba syang gusto sayo? Maganda ka naman ah, " sabi ni brenda
"Wala, wala syang gusto sa akin."
"Ewan ko, sa palagay ko meron." sabi naman ni Elmer.
"Pano mo naman nasabi yan ha Elmer?" sabi ni Belle at tiningnan nya ng seryoso si Elmer.
"Nahahalata ko ang mga tingin nya sayo hay, ako ang kinikilig."
"Tingin lang yon Elmer, ni hindi man lang nga nya ako binebeso sa pisngi."
"Baka nahihiya lang sya." sabi ni Brenda.
"Basta abangan na lang natin." sabi ni Elmer.
"Isama mo sya sa birthday ko." sabi ni Vicky.
"Tama, para pag nakita sya ni Lester ay mag selos at manghinayang sya sayo at ma insecure sayo si Almira haha!" sabi ni Brenda.
"Pero baka hindi pwede, kasi di ko alam kung kelan sya ulit pupunta ng boutique, at nahihiya akong yayain sya, baka isipin pa nya may gusto ako sa kanya e ang tanda tanda kong di hamak sa kanya, nakakahiya."
"Don't worry madame hindi ka matatanggihan ni Daniel, Im so sure." sabi ni Elmer
"Bahala na!" Sabi ni Belle.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'
HororDaniel Espinosa Lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit hindi ito maaaring mahawakan. Author's Note Please follow me first before you read this para mabasa po ninyo full chapters.. Thank you so much...Enjoy reading! ? ONLY FOLLO...