Chapter 31

2.4K 79 0
                                    

Nung gabi na iyon, matapos nilang mag bonding ay nagpaalam na muna si Melina upang bumalik ng ospital at naiwan si Melvin..

"Anak matulog ka na, kung gusto mo mag shower ka na muna." sabi ni Daniel kay Melvin.

"Salamat tay."

Pumasok ng bathroom si Melvin at kanyang pinagmamasdan ito, hinubad nya ang kanyang damit at binuksan ang shower.

Ngunit di nya alam kung papano ito buksan dahil hi-tech ang shower ni Daniel, pumasok si Daniel sa loob at tiniruan siya kung papano ito gamitin.

"Ganito lang yan anak."

"Wow ang galing naman ang init pa ng tubig,"

"Sige maligo ka na at ako ay magpapahinga na,"

Masayang naligo si Melvin sa cr, matapos ay nagpapatuyo na sya ng katawan.

At habang nagpupunas sya ng tuwalya ay may nakita syang anino sa bintana ng bathroom, nilapitan nya ito ngunit nawala naman agad ito.Hindi na lamang ininda ni Melvin at pumasok sa maganda nyang silid.Sinuot nya ang pambahay na damit na binigay ni Daniel.

Preskong presko ang kanyang pakiramdam at sya ay nahiga sa komportableng kama.

Sa sobrang lamig ng aircon ay nag kumot ito..

"Ang sarap pala ng buhay mayaman haha!" masayang sabi ni Melvin at inamoy nya ang mga unan at kanyang kumot.

At maya maya ay sya ay nakatulog.

Ngunit Habang natutulog si Melvin ay may narinig syang himig ng piano....

Naalimpungatan si Melvin at napaupo sa kama, at biglang nawala ang himig.At nahiga syang muli at nakatulog na ng mahimbing.Ngunit wala syang kamalay-malay na lumalapit sa kanya ang estatwa ni kasandra, ng nakalapit na ito sa kanya ay may ibinulong ito.

"Umalis ......na.... kayo dito o mamamatay ka!......" malamig na boses na sabi nito,

Maya maya ay nawala ito.

Napabangon si Melvin sa kanyang narinig.

"Ang sama ng panaginip ko?" Sabi ni Melvin at sya ay natulog ulit.

Kinabukasan...

"Sumama ka sa akin sa opisina, ipapakilala kita kay Sir Henry, ipapasok kita sa trabaho ko."

"Pero nahihiya ako, wala akong alam sa ganyang trabaho, baka di ako tanggapin?"

"Ganyan din ako nung una walang kaalam alam, Huwag ka mag alala tutulungan kita, ako bahala sayo."

Magandang lalaki si Melvin at maganda rin ang pangangatawan nito, hindi man sya kasing kisig ni Daniel, ay may appeal din sya sa mga babae.

Bago sila nagpunta ng trabaho ni Daniel ay dinaanan nila si Melina sa ospital at dinalaw ni Daniel ang kanyang apo.

Pagpasok nila ng ospital ay pinag titinginan si Daniel ng mga nurse at ng iba pang tao sa loob ng ospital, sa ganda ng mukha nito, tindig at tikas ng katawan, at sa magara nitong kasuotan.Proud na proud naman si Melvin sa kanyang ama.

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon