Kinabukasan ng hapon.
Nagbabalak na nyang gamitin ang Benditas ngunit nangangamba sya dahil nagpakita ang estatwa ni Kasandra, natatakot syang magpakita itong muli.
"Pero kailangan kong gawin to." Sabi nya sa kanyang sarili.
"Ang sabi sa libro isa isang talutot lamang muna ang gagamitin, hindi ito maaaring madaliin, bakit kaya? Kailangan ko na lang sundin ito."
At naghanda sya para maligo, nilagay nya ang isang talutot ng benditas sa balde na may tubig at nakita nyang natunaw agad ito, tumingin sya sa paligid ng banyo, iniisip nya na baka marinig nyang muli ang himig ng piano at magpakita muli ang estatwa ni Kasandra sa kanya, ngunit tahimik ang paligid at kanyang ibinuhos ang tubig sa kanyang katawan."
Matapos nito ay masaya nyang pinag masdan ang kanyang itsura, gusto nyang makita agad ang epekto nito.Humarap sya sa salamin at hinintay nya ang pagbabago.
Ngunit walang nangyari."Bakit walang talab?" Nagtatakang tanong ni Leonardo.
"Hindi kaya para sa babae lang ito o di kaya sa mga bata lang?" Nagtataka pa din nyang tanong sa sarili.
Naghintay pa ng isang oras si Leonardo ngunit wala pa ding pagbabago sa kanyang anyo. Ang akala nya ay walang talab ito sa lalaki at sa matandang kagaya nya.
"Sayang lamang ang pagod ko sa pagpasok ng gubat, katakot takot na hirap at takot ang aking naranasan wala naman pala talab ito sa akin, sayang! At yung estatwa na yun hindi ako natatakot sa kanya, manlilinlang sya!" Dismayadong sabi ni Leonardo.
Nung gabing iyon sya ay nakatulog...wala syang alam na binabantayan sya ni Kasandra kapag sasapit ang gabi, ngunit hindi ito nagpapakita sa kanya,
Kinabukasan sa kanyang pag gising ay may naramdaman sya na kakaibang lakas, di gaya ng dati na mahina ang kanyang pakiramdaman dahil sa kanyang edad, ngunit sa kanyang pagbangon ay laking gulat nya ng humarap sya ng salamin...
![](https://img.wattpad.com/cover/102056171-288-k913758.jpg)
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'
HororDaniel Espinosa Lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit hindi ito maaaring mahawakan. Author's Note Please follow me first before you read this para mabasa po ninyo full chapters.. Thank you so much...Enjoy reading! ? ONLY FOLLO...