Nagpunta si Daniel sa kanyang trabaho, sinalubong agad sya ng mga buyer.
At gaya ng dati ilang sandali lang ay nakabenta sya agad ng mga unit.
Ng nakaalis ang kanyang mga kliyente."Salamat po sa inyo sir, mam." sabi ni Daniel habang hinahatid isa isa ang kanyang kliyente sa elevator.
Matapos nito ay umalis agad sya..
Nakatingin lamang si Ingrid kay Daniel, naghihintay syang lapitan sya nito ngunit umalis na agad si Daniel,"Hay nakakainggit naman ang bilis nya makabenta ng sabay sabay whew! " sabi Ni Rob.
Nagpunta sya sa boutique ni Belle.
Ngunit pagdating nya doon ay wala ito."Sir wala po si madame pero mamaya ay babalik po."
"Ganon ba sige maghihintay ako."
Naghintay si Daniel.
Makalipas ang isang oras ay dumating si Belle.."Madame nandyan si Sir Daniel kanina pa kayo hinihintay."
"Ah sya nga. " masayang sabi ni Belle.
Pagpasok ni Belle ay nakita nya itong nagbabasa ng magazine.
"Hi !" Masayang bati ni Belle.
"Hi!" Masayang mga ngiti ni Daniel.
"Mabuti napasyal ka?"
"Na mimiss na kasi kita eh, kamusta ka na?"
"Ikaw naman ilang araw lang naman tayo di nagkikita eh, pero miss na din kita."
Lalapitan ni Belle si Daniel para halikan sa pisngi ngunit umiwas ulit to.
"Saan ka nagpunta, mukhang abala ka?" sabi ni Daniel.
Medyo natahimik si Belle sa ginawa na namang pag iwas ni Daniel,
"Ah dyan lang , nakipag meet sa kliyente, "
Nakatitig si Daniel sa kanya ng buong tamis.
Habang nakikita ni Belle ito ay nananabik syang makayakap ito ngunit laging umiiwas si Daniel."Masaya ka na ba Daniel na nakikita mo lamang ako pero di mo man lang ako nahahawakan?"
"Masaya akong tinititigan kita Belle, at hindi ako gaya ng ibang lalaki."
"So anong gagawin natin magtitinginan na lamang ba tayo?"
"Gusto ko sana mag pagawa sayo ng mga suits at mga damit na pambabae."
"Pambabae? Para kanino?"
"Sa ___, sa pinsan ko, sa condo na muna sila mamamalagi kaya gusto ko silang regaluhan ng magagandang mga damit"
"Ah ganon ba, oo naman."
"Bukas isasama ko sila dito, para makilala mo na rin sila, gusto kong makilala mo sila."
"Hmmn ok."
"Mauna na ako Belle, kita na lang tayo bukas."
At umalis na si Daniel.Pagka alis ni Daniel.
"Bakit hanggang tingin na lang sya sa akin at ganon din ako sa kanya?pero lagi nyang sinasabing gusto nya ko at mahal nya ko, sino ka Daniel?"
Naghihinagpis na sabi ni Belle sa kanyang sarili.
.......
Kinagabihan ... sa ospital...nilipat nila ng sariling silid si JP,"Melvin, saan ka ba kumuha ng pera at nilipat mo pa ng private room si JP?"
"Mamaya ko sasabihin sayo."
Maya maya ay Pumasok ang doktor sa silid.
"Ligtas na ang iyong anak, mabuti at naagapan ito, samakalawa ay maaari na syang lumabas."
" Maraming maraming salamat po Doc"
Pag kaalis ng doktor, nakahinga ng maluwang si Melina.
"Salamat po Lord at niliagtas Nyo ang aking anak!"
"Melina, halika na kailangan mong sumama sa akin."
"Saan ba tayo pupunta ?"
"Basta sumama ka sakin."
"Oo sige na, Glo ikaw na muna ang mag bantay kay jP, " sabi ni Melina sa kaibigang si Gloria.
"O sige, ako na muna ang magbabantay sa inaanak ko."
"Salamat sandali lang ako babalik ako agad."
Nilapitan nya si JP na natutulog at hinalikan nya sa noo,
Paglabas ng ospital ay sumakay sila ng taxi.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'
HororDaniel Espinosa Lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit hindi ito maaaring mahawakan. Author's Note Please follow me first before you read this para mabasa po ninyo full chapters.. Thank you so much...Enjoy reading! ? ONLY FOLLO...