Kinabukasan ng madaling araw ay binilang nya ang kanyang mga napagbentahan ng mga laruan, at naisip nya na maari na syang makaluwas ng Maynila, may pamasahe na sya at tiyak nya na makakapag trabaho sya, nagpasya na si Leonardo na lumuwas ng Maynila para makipagsapalaran...
Kinuha nya ang mga naiwang damit ni Melvin at kanyang nilagay sa lumang boston bag at sinuot nya ang baseball cap. Nilagay nya ang benditas at ang diary sa loob ng maliit na plastic at isinilid sa loob ng bulsa ng bag na may zipper, at kinuha nya ang enigma
at tinapon na lamang nya ito sa basura.At binasa nya muli ang diary...
"Kailangan maglakad paatras ng isang daang hakbang para di ako masundan ng kahit anong maligno na sumusunod sa akin na galing ng kagubatan."
At kinandado nya ang pinto at nag umpisa syang maglakad paatras, wala pang tao nang sya ay nag lakad paatras dahil hindi pa nagbubukang liwayway.
Akala ni Leonardo ay di na magpapakita si Kasandra, dahil minsan pa lamang nya ito nakita.At akala niya ay di na sya masusundan nito dahil maglalakad na siya ng paatras, ngunit walang talab ang kanyang gagawin paglakad paatras, dahil lingid sa kanyang kaalaman ay dala dala nya ang enigma na nasa loob ng dala nyang bag.
Pagdating ni Leonardo sa stasyon ng bus ay sumakay agad ito papuntang Maynila, habang nasa mahabang byahe ay kung anu ano ang bumabalakid sa kanyang isipan.
......
Samantala pag gising ni Dolora ay nananabik itong makitang muli si Leonardo , pinuntahan nya ito sa bahay ngunit wala na ito.
.......
Nang nasa Maynila na si Leonardo ay taglay nito ang kanyang kabataan at kakisigan.
Hindi nya alam kung saan sya pupunta, bago lamang sya sa Maynila."Mula ngayon ako si Daniel..Daniel Espinosa!"
Magulo ang kapaligiran, maraming tao ang naglalakad, maraming mga side walk bendor sa bawat kanyang dinadaanan.Maingay ang mga nag bubusinang mga nag sisiksikang mga sasakyan at bus sa malaking kalsada.Sa kanyang paglalakad ay may nadaanan syang hold up an.
"Saklolo! na hold up ako!" Sigaw ng isang babae at nagkagulo ang mga tao.
Nakadama ng takot si Daniel at sa sobrang kaba ay napatakbo sya at pumasok sya sa isang mall.Habang naglalakad si Daniel ay pinag titinginan sya ng mga babaeng nakakakita sa kanya.Ang iba ay di mapigilan ang paglapit..
"Ano ang pangalan mo?" Sabi ng isang babaeng mamimili sa mall.
"Daniel,"
"Hi Daniel!."
Maya maya ay may ibang babae naman ang lumapit.
"Hi ako si Katie!"
"Hi ako naman si May !"
Maya maya ay nagkukumpulan na ang mga babae sa paligid niya..
Hindi malaman ni Daniel ang kanyang gagawin sa mga babaeng ito, pilit syang hinahawakan , buti na lamang at nakasuot sya ng sweater na may hood kaya ang kanyang suot ang nahihipo ng mga ito.Napaatras sya sa daming babaeng lumalapit sa kanya, napagkamalan syang artista ng ibang nakakakita, kaya padami ng padami sila."Bakit nagkakagulo doon?" Sabi ng isang sales lady sa kasama nito.
"Baka artista, halika tingnan natin."
Lumapit sila at nang nakita nila si Daniel ay nabighani sila sa kakaibang taglay nitong kakisigan.
"Napakaguwapo naman nya, kaya lang hindi naman pala sya kilala eh." sabi ng sales lady.
"Oo nga,pero mas guwapo pa sa artista, tingnan mo naman ang mga ngiti nakaka inlove!"
Walang magawa si Daniel kaya naisipan nitong umalis na lamang doon.
Ngunit habang sya ay naglalakad ay sinusundan sya ng mga ito."Daniel, pakuha naman ng picture please!" Sabi ng unang babae na lumapit sa kanya.
"Daniel ang pangalan nya ? hi! Daniel!" Tilian ng mga babae.
Walang magawa si Daniel at nakipag selfie ito.
Hindi pa tapos magpakuha ang iba ay nagpasya ng umalis si Daniel..
"Pasensya na po mag papa alam na ako sa inyo!" At tumakbo papalabas ng mall si Daniel..
Paglabas nya ay napasakay sya ng jeep upang makalayo sa lugar na iyon.
.......
Nung gabi na iyon ay walang matulugan si Daniel, at gabing gabi na...hindi pa sya handang magpakita sa kanyang mga anak.
May nakita syang isang saradong tindahan at may mahabang banko sa harapan nito, at dito nya naisipang magpalipas ng gabi. Nang nahiga sya ay narinig na naman nya ang himig ng piano, at nag umpisa na syang kilabutan, di sya makatinag sa kanyang kinauupuan, at nabanaag sya sa di kalayuan, ang Estatwa ni Kasandra..at bigla itong nawala."Bakit nya ako nasundan?"
Binuksan nya ang kanyang bag at laking gulat nya nang nakita nya ang enigma sa loob nito...
.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'
TerrorDaniel Espinosa Lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit hindi ito maaaring mahawakan. Author's Note Please follow me first before you read this para mabasa po ninyo full chapters.. Thank you so much...Enjoy reading! ? ONLY FOLLO...