Matapos ang trabaho nila Ingrid , Beth at Cora ay pinuntahan nila ang address.
Pagdating nila sa may kalye ng bahay."Dyan yung number 11 may tindahan sa harap, magtanong tayo."
"Ang pangit pala ng bahay nya, di bagay kay Daniel." sabi ni Cora.
Pagdating nila ng tindahan ni Olivia."Good evening po, nandyan po ba si Daniel Espinosa?"
Si Olivia ang nagbabantay ng mga sandaling iyon, inutusan nya bumili ng gamot sa balat si vina.Nakatakip ang katawan ni olivia at mukha lamang nito ang nakalabas.
"Bakit sino kayo at ano kailangan nyo sa kanya?" Sabi ni Olivia.
Nagkatinginan ang tatlo.
"Eh mga kasamahan nya kami sa trabaho gusto lang namin sya pasyalan, andyan po ba sya?"
"Wala, wala pa dito ang asawa ko, mamaya pa sya uuwi."
Nagkatinginan ang tatlo ng sinabi nilang asawa sya ni Daniel.
"Asawa ka ni Daniel?"
"Oo bakit? Isa rin ba kayo sa mga nagnanasa sa kanya?"
"Ah eh sige uuwi na kami salamat na lang." sabi ni Ingrid
Pagka alis nila ay pinag usapan nila ito.
"Sya yung asawa ni Daniel?" sabi ni Beth.
"Maganda naman sya ah." sabi ni Cora
"Oo nga pero, parang sayang naman si Daniel kung sa kanya lang ,mukha pang mataray."
"Kaswerte naman ng babae na yun?" Sabi ni cora.
"Sabi ko na sa inyo, walang gusto si Daniel sa akin may asawa na pala sya." dismayadong sabi ni Ingrid.
........
Sa Birthday party ni Vicky., Ginanap ito sa kanyang malaking bahay sa Corinthians Garden.Naunang bumaba si Daniel at ng bumaba ng kotse si Belle ay inalalayan nya ito sa kanyang likod, Gusto ni Belle na mahakawan ang mga kamay ni Daniel ngunit lagi nyang iniiwas ito.Masaya si Belle na kasama si Daniel ng gabing iyon, Proud na proud syang pumasok sa loob ng bahay kasama si Daniel, nakahawak ang kamay ni Daniel sa bewang ni Belle, at sa kanilang pagpasok ay napatingin ang lahat ng bisita sa kanila.
Isa na ang ex husband nyang si Lester at ang fiance nito na si Almira.
Sinalubong sila ni Vicky."Salamat Belle at nakarating ka." masayang sabi ni Vicky at napanganga ito sa taglay na kaguwapuhan ni Daniel,
Pinakilala ni Belle si Daniel, at pinaupo sila sa table kung saan nakaupo si Brenda at Elmer.Nakanganga din si Brenda ng naupo sila sa kanyang tabi.
Umupo si Belle sa tabi ni Brenda at katabi ni Belle si Daniel at bakante naman ang susunod na upuan ni Daniel."Hi Daniel kamusta na!" Masiglang sabi ni Elmer.
Maya maya ay lumapit si Lester at si Almira.
"Kamusta ka na Belle." sabi ni Lester
"Mabuti naman." naka taas ang kanang kilay na sabi ni Belle.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'
TerrorDaniel Espinosa Lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit hindi ito maaaring mahawakan. Author's Note Please follow me first before you read this para mabasa po ninyo full chapters.. Thank you so much...Enjoy reading! ? ONLY FOLLO...