Chapter 20

2.3K 75 1
                                    


Lumipas ang mga araw ay nasanay na sa pagbebenta ng condo si Daniel.Gabi gabi ay kung sino sinong babae ang naghahatid sa kanya na nakasakay ng magarang sasakyan.
......
Hindi niya ginagamit araw araw ang benditas, may mga oras na nakakalimutan nya sa sobrang busy nya,  naaalala lamang nya ito sa tuwing nakakaramdam sya ng nanghihina na parang matanda ang kanyang katawan.

Kinabukasan...

"Naghihina ako, naku nakalimutan ko maligo ng benditas kagabi", sabi nya sa kanyang sarili

At nagpunta sya ng banyo at naligo, matapos nito ay pumasok na ng trabaho, at gaya ng dati ay nakabenta ulit ito.

Kinagabihan....

"Bye Daniel, sana magkita ulit tayo ha!" Sabi ng babaeng naghatid sa kanya.

Nakita ito ni Olivia habang nakasilip sa bintana.
Pagapasok ng bahay ni Daniel.

"Sino na naman ang babaeng iyon?"

"Yung buyer."

"BUYER! LAGI NA LANG BUYER!" Galit na sabi ni olivia

"Trabaho lang naman ang ginagawa ko."

"Baka naman kung saan saan ka nag pupunta?"

"Hindi ... kumakain lang kami sa labas, pinag bibigyan ko lang, yun lang naman ang gusto ng mga buyer ang makasama nila ako kumain sa labas, wala ng iba."

"Sigurado ka ba?"

"Oo napagod na ako gusto ko ng magpahinga."

Nang nahiga si Daniel ay niyakap sya ni Olivia at gusto nito ulit makipagtalik sa kanya..
Gabi gabi na lamang sila nagtatalik.
Ngunit napansin ni Daniel na may mga tumutubong butlig sa katawan ni Olivia, at dumadami na ito.

"Ano yang mga yan ?"

"Ah wala yan,mawawala din yan, nakabili na ako ng gamot at ilang araw lang mawawala din , na allergy lang ako siguro."

Hindi ginanahan si Daniel ng makita nya ang mga butlig na iyon ni Olivia kaya natulog na lamang ito, ngunit pinipilit sya ni Olivia ngunit tumalikod si Daniel at sya ay nakatulog..

Naghihinagpis si Olivia at napilitan na din itong matulog.
...........
Matapos ang trabaho ay pinasyalan ni Daniel si Belle.

"Mabuti at napasyal ka Daniel."

"Gusto ko sana magpagawa ng mga suits sayo."

"Talaga?"

"Oo, swerte kasi pag ikaw ang gumawa, mas bumabagay sa akin."

"Salamat, at ako ang bahala sa mga design, ang gusto ko yung kakaiba sa lahat na lalong babagay sayo."

"At eto nga pala ang bayad dun sa mga pinahiram mo sa akin, bibilhin ko na lahat ng iyon, may mga tag price yung pinahiram mo sa akin kaya alam ko na kung magkano, marami talagang salamat Belle."

"Naku huwag mo ng alalahanin yon, sayo na yon , tutal sa akin ka naman mag papagawa ng mga bagong suits."

"Hindi kunin mo na Belle, gusto ko din makatulong sa business mo, dito na rin mag papagawa ang mga kapwa ko agent."

"Ganon ba, well maraming salamat Daniel." nakaramdam si Belle na totoong tao si Daniel at hindi ito gaya ng iba.

Naupo si Belle sa lamesa at mag didisensyo sya ng mga suits na lalong magbibigay ng ningning kay Daniel.

Habang pinapanood sya ni Daniel ay humahanga sya sa galing mag design ni Belle.

"Ang galing mo naman Belle."

"Salamat, ito ang passion ko masaya ako kapag nag dedesign ako."
Matatamis ang ngitian nila sa isa't isa, hanggang nagpaalam na si Daniel at umalis na ito..

Ng naka alis si Daniel ay naghahangad si Belle na halikan sya nito o yayain man lang kumain sa labas ngunit nagmamadali ng umalis si Daniel.

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon