Nagsalamin muli si Leonardo, at di pa rin sya makapaniwala sa kanyang itsura, at maraming pumapasok sa kanyang isipan..naiisip nyang kailangan nyang lisanin ang Santa Barbara dahil magiging matanong ang mga tao sa kanya, gusto nyang makipagsapalaran na lamang sa Maynila at di na sya magbabalik ng Santa Barbara at hanapin ang kanyang magandang kapalaran, sa taglay nyang kaguwapuhan at kabataan ay marami sya maaring gawin.
Naisipan nyang magbenta ng kanyang mga binebentang laruan upang makaipon para makaluwas sya ng Maynila...
Isa isang nilagay ni Leonardo ang mga panindang laruan sa malaking bag at ang iba ay nakasabit sa isang gawa sa kawayan na kanyang ginawa.
Lumabas si Leonardo bitbit ang mga laruan at nag umpisa itong maglako."Bili na kayo ng mga laruan !" May isang babaeng nakarinig at nakakita sa kanya at ng sya ay pinag masdan ay namangha ito ng nakita nyang napakaguwapo ng naglalako ng laruan.
Lumapit agad ang babae sa kanya.
"Gusto ko bumili, maari bang makita isa isa ang mga laruan na yan." kinikilig na sabi ng babae.
"Oo." nilabas ni Leonardo ang iba pang laruan sa loob ng malaking bag.
"Napakapogi mo naman."
Maya maya ay may naglalapitan ng mga babae at naaakit sila sa kaguwapuhan ni Leonardo,
"Bago ka dito ano? Dati si Mang Leonardo ang naglalako ng ganyan eh." sabi ng isang babae.
"Ah tiyuhin ko po sya, ako na muna ang pinagtitinda nya."
"Tiyuhin mo sya? Talaga? , naku napaka guwapo mo naman hihi."
Nagkukumpulan na ang mga babae at kahit hindi nila kailangan ng laruan ay bumili sila makalapit lamang kay Leonardo.Napadaan sa harapan nya si Dolora kasana ng boyfriend nya, at napatingin sa kanya si Dolora,
"Teka lang gusto ko bumili ng laruan."
"Diba nabilhan mo na kapatid mo?" Sabi ni Alvin kay Dolora.
Napansin ni Alvin na nagkakagulo ang mga babae sa paligid ni Leonardo.
"Gusto ko yan, ako ang bibili nyan!" Sabi ng mga babaeng bumibili, Nag uunahan sila makabili ng laruan.
Tuwang tuwa naman si Leonardo sa tuwing nagbabayad ang mga ito sa kanya.
Nakita ni Leonardo si Dolora panay ang tingin sa kanya habang tumitingin ng laruan."Ikaw anong gusto mo?"
"Ah ito na lang magkano ito?" Sabi ni Dolora ng nahawakan nya ang isang maliit na plastic na pusa na kapag nilagyan ng baterya ay kakaway ang kaliwang kamay nito.
"100 lang po"
Kumuha agad ng pambayad si Dolora, at napansin nya na nakatingin din sa kanya si Leonardo,, nakaramdam ng kilig si Dolora, sinuklian ni Dolora ng matatamis na ngiti ito.
"Tara na Dolora, nakabili ka na diba?" nagseselos na Sabi ni Alvin
"Ah oo, sandali lang " sabi ni Dolora at panay pa din ang tingin nya, kagaya ng ibang babae, nakuha na nila ang nabili nila ngunit hindi pa ito nag aalisan, nakatingin pa din sila kay Leonardo.
May mga babae pa na naglalapitan ngunit ubos na ang tinda ni Leonardo kaya nag paalam na ito.
"Salamat po sa inyo." at nagpaalam na itong umalis, nakatingin pa din ang mga babae sa kanya.
"Salamat din sayo, magtinda ka ulit ha bibili uli ako !" Sabi ng isang babae
"Anong pangalan mo?"
"Ako si Le_____.."
Naisip nya na kailangan pala nyang palitan ang kanyang pangalan, may nakita syang nakapaskel na poster sa poste na pangalan na 'Daniel' kaya ito na lamang ang pangalan na kanyang ginamit.
" Ah ako po si Daniel."
" Hi Daniel !"
Nagkawayan ang mga babae sa kanya isa na si Dolora.
"Hay napakaguwapo naman nya, para syang arkanghel na bumaba sa lupa."
" Oo nga, saan sya galing? Ngayon lang ako nakakita ng ganyang kaguwapong lalaki." sabi ng isang babae.
"Grabe hay kinikilig ako!" Sabi naman ng isang babae.
"Sya pala ang pamangking ni mang Leonardo."
"Talaga pamangkin sya nung matanda na yun?" Sabi naman ni Dolora
"Oo, bago lang daw sya dito."
Nakatingin pa din sila habang naglalakad palayo si Leonardo at ng nawala na ito sa kanilang paningin ay doon lamang sila nag alisan na may ngiti sa kanilang mga mukha.
"Halika na Dolora." sabi naman ni Alvin na nakaramdam ng selos ng nakita nyang matatamis ang tingin ni Dolora.
...........
Pag kauwi ni Leonardo ay masayang masaya ito, dahil naubos ang kanyang mga paninda at ngayon lamang ito nangyari, samantalang dati, saan saan na sya nakakarating , maghapon, magdamag ay hindi sya makabenta, swerte na ang makabenta ng isa hanggang tatlong laruan.
.......
Kinabukasan ay nagpunta sya kung saan sya kumukuha ng mga laruan, at tuwang tuwa ang may ari dahil naubos ang mga laruan nito, sinabi ni Leonardo na sya na muna ang papalit sa kanyang tiyuhin dahil matanda na ito at nasa Maynila na.
"Mas mainam nga at ikaw na ang maglalako nyan, siguradong ubos agad yan , hay napakaguwapo mo talaga." sabi ng babaeng may ari.
Naglako ulit si Leonardo at naubos din ito kaagad.
Author's note:
Please follow me and comment if you want to continue!
Enjoy reading😃
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'
TerrorDaniel Espinosa Lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit hindi ito maaaring mahawakan. Author's Note Please follow me first before you read this para mabasa po ninyo full chapters.. Thank you so much...Enjoy reading! ? ONLY FOLLO...