Chapter 48

1.9K 73 0
                                    

Makalipas ang ilang araw..Nabalita na nagbalik na sa dating pagkatao at anyo si Olivia at bumalik na sa normal ang buhay nito ngunit nakalimutan na nya ang kanyang nakaraan tungkol sa pag iibigan nila ni Daniel.
Nakauwi na ng bahay si Olivia, hinatid sya ng mga taong nakakita sa kanya sa lansangan, at ng tinawagan ni Olivia si Elmer ay pinuntahan nya agad ito.

" Besti mabuti at ok ka na salamat!" Sabi ni Elmer.
" Ano ba nangyari sa akin ?"
" wala ka bang natatandaan?"
" Wala, kamusta na si Daniel nag katrabaho na ba sya?" Sabi ni olivia, iyon ang huling bagay na natatandaan nya tungkol kay Daniel.
" Oo may trabaho na sya at successful na sya ngayon."
" Nag ka amnesya ba ako?"
" Oo besti pero pansamantala lang at ok ka na ngayon." hindi na sinabi ni Elmer ang totoong nangyari sa kanya para hindi na ito maguluhan o mag isip.
" Sana makita ko ulit si Daniel crush ko sya eh."
" Hay kalimutan mo na si Daniel kasi ikakasal na sya."
" Ha kanino?"
" Sa kaibigan kong si Belle."
" Hmm sayang sana kami na lang."
" Hayaan mo na yun Bes makakakita ka din ng ibang magmamahal sayo."
" Oo nga, tsaka masyadong guwapo si Daniel para sa akin sasakit lang ang ulo ko sa kanya hahaha!"
" Correct ka dyan besti" masayang nag kuwentuhan ang dalawa.

......

Gustong sabihin ni Daniel ang kanyang nakaraan kay Belle ngunit hindi na interesadong malaman ni Belle ito,  para sa kanya ay sapat na maging sila ni Daniel..

"Kahit ano pa ang iyong nakaraan ay mahal kita Daniel, hindi na ako interesado na marinig kung ano man iyon, mahal na mahal kita."

Nakangiting Sabi ni Belle...

Maya maya ay nagdatingan ang mga kaibigan ni Belle. At inggit na inggit sila ng nakita nilang masayang magkayap ito, naka upo sa kandungan ni Daniel si Belle sa hardin ng kanyang mansion.

"Nakakainggit naman kayo, sana makatagpo din kami ng gaya ni Daniel." sabi ni Brenda.

Naka suot lamang ng sando si Daniel ng mga oras na iyon at laking gulat nya ng bigla syang hinaplos ng mga ito..

"Napakaganda ng iyong mga balat hay." sabi nila Vicky at Brenda habang pinipisil pisil nila ang mga bisig ni Daniel..nakangiti lamang si Belle habang ginagawa nila ito kay Daniel.

Walang magawa si Daniel , hindi na sya nakaiwas dahil biglaan ito.

Akala ni Daniel ay may talab pa din na sinuman ang makakahaplos ay iibig sa kanya ng wagas,

"hay, nakaka inlove naman." sabi ni Vicky at Brenda..kinabahan si Daniel sa sinabi ng mga ito.

"Pero ikaw na ang maswerte Belle, ikaw ang pakakasalan ni Daniel, balang araw makakakita din kami ng para sa amin haha, congrats sa inyong dalawa!" Sabi ni Brenda.

"Oo nga, masaya kami para sa inyong dalawa." Sabi naman ni Vicky.

Nawala ang kaba ni Daniel ng ito ang kanilang sinabi, at doon nya naisip na wala na ang bisa na mapapaibig ng wagas ang sinumang humaplos sa kanya, at si Belle lamang ang tanging makakaranas non dahil si Belle ang totoo nyang mahal..

" Well kailan ang kasal?" Sabi ni Elmer.

" Kahit anong oras!" Sabi ni Daniel at hinalikan nyang muli si Belle.

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon