Sumunod na mga araw ay dinalaw ito ng kanyang mga anak.
Bandang hapon, naglilinis ng bakuran si Leonardo nang dumating ang kanyang mga anak.
"Tatay?!" Masayang sabi ni Melina at Melvin.
"Mga anak! Melvin! Melina!" At niyakap niya ng mahigpit.
"Tatay, kamusta na kayo?" masayang sabi ni Melina at Melvin.
"Mabuti, salamat at dinalaw ni'yo ako, na mimiss ko na kayo!" Masayang sabi ni Leonardo.
"Na mimiss ka na din namin tay." Sabi ni Melina at hinalikan nila si Leanrdo sa pisngi.
"Musta na tay?! Sabi ni Melvin.
"Eto mga anak, matanda na kumakayod pa."
"Magsama-sama na lang tayo sa Maynila." sabi ni Melvin.
"Naku sa hirap ng buhay ni'yo doon magiging pasanin pa ako, halika pumasok kayo sa loob."
Pumasok sila sa loob ng maliit na bahay ni Leonardo at naupo sila sa sala.
"Nag aalala kami sa inyo tatay eh, doon kahit mahirap basta magkakasama tayo tay."
sabi ni Melina.
"Huwag kayong mag alala mag iipon lang ako at pag nakaipon ako ay pupuntahan ko na kayo doon, konting tiis lang."
"Pwede naman kayo doon mag tinda ng laruan sa palenke?" sabi ni Melvin.
"Hayaan mo at pag nakaipon ako ng pampuhunan,at doon na lamang ako magtitinda, kayo kamusta na? ang apo ko, si JP?"
"Pina alagaan ko na muna sa kapitbahay." sabi ni Melina.
"Sana sinama mo sya dito ng makita ko man lang."
"Eh tay, masyado kasi malayo ang byahe, makikita niyo rin sya."
"Nasasabik na akong makita sya, ano nga pala ang pinag kakakitaan ninyo doon?"
"Nagtitinda ako ng gulay sa palengke, pero tindera lang ako tay hindi ako ang may ari."
"Ikaw naman Melvin?"
"Driver po ako ng pick-up truck ngayon, nahiram ko ang sasakyan, wala yung amo kong intsik kaya nagkaroon ng pagkakataon na makapunta rito, kaya sinama ko si Melina para madalaw kayo."
"Anak, 17 ka pa lang, mukhang mabigat yang trabaho mo?"
"Eh Tay, kailangan kong kayanin,"
"Mag iingat ka lang sa pag mamaneho mo.Mabuti naman at nakadalaw din kayo,"
"Tatay, di ka ba nalulungkot dito, nag-iisa ka lang,"
"Nasanay na ako mga anak, kung bakit kasi umalis pa kayo dito sa Santa Barbara, pwede nyo naman gawin yang mga ganyang trabaho dito ah."
"Eh nasanay na rin kami doon tatay," sabi ni Melvin.
"Hindi ba nakakatakot manirahan sa Maynila magulo daw doon ah?"
"Hindi naman tay, sanayan lang yan, pag pumunta kayo doon masasanay din kayo." sabi ni Melvin. "Magluluto ako ng masarap na pagkain, napadaan kami sa palengke at bumili ako ng lulutuin." sabi Melina at sya ay tumayo at nagpunta ng kusina. Inilapag nya ang dala nyang plastic bag na may laman na kanyang nabili sa palengke.
"Na mimiss ko na luto mo anak."
"Kaya dumaan kami sa palenke kanina para maipagluto ko po kayo."
At naghanda si Melina para magluto ng tinolang manok at pritong tilapia.
Habang nagluluto si Melina....
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'
TerrorDaniel Espinosa Lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit hindi ito maaaring mahawakan. Author's Note Please follow me first before you read this para mabasa po ninyo full chapters.. Thank you so much...Enjoy reading! ? ONLY FOLLO...