Chapter 27

2.2K 70 0
                                    


Kinabukasan ay maagang umalis si Daniel ng kanyang condo at sumakay ng kanyang magarang kotse.
......
Samantala ...

Abala si Melina sa pagtitinda ng gulay sa palenke ng biglang dumating ang matalik na kaibigan na si Gloria, at humahangos ito papalapit sa kanya.

"Melina,........si JP ang taas ng lagnat!" hingal na sabi nito.

"Ano?"

"Oo bilisan mo!"

Nataranta si Melina.

"Aling Marta kayo na muna bahala sa mga paninda, mataas daw lagnat ng anak ko."

"Oo sige." sabi ni Marta.

Nagmadaling naglakad umuwi si Melina at Gloria.
Pag uwi nila ay naabutan nilang tumitirik ang mga mata ni JP, limang taong gulang na batang lalaki.Binuhat agad ni Melina at sumakay silang tricycle papuntang ospital,
Pagdating nila ay dinala agad sa emergency room.
Naiiiyak si Melina at tinawagan nya si Melvin.

"Melvin, pumunta ka sa ospital, si JP !"

"Ano nangyari kay JP?"

"Ang taas ng lagnat at tumitirik mga mata, natatakot ako, pumunta ka na dito!"

"Oo sige pupunta na ako dyan."
...
Pagdating sa ospital ni Melvin ay nakita nya si Melina na umiiyak sa isang tabi.

"Melina, ano ang nangyari?"

"Kailangan magamot si JP, wala akong pambayad at pambili ng gamot ..Pag di sya magagamot agad baka mamatay sya, may tigdas sya." Umiiyak na sabi ni Melina.

Hindi malaman ni Melvin kung ano ang kanyang maitutulong, hindi sapat ang perang hawak nya, kahit gamot ay di ito makakabili.

"Huwag ka mag alala, gagawa ako ng paraan mangungutang ako sa amo ko, dyan ka na muna."

"Bilisan mo Melvin !"
......
"Sige na po Mr. CHua, kahit limang libo lang." nagmamakaawa sa amo nyang intsik.

"Naku Melvin, ako wala pa kita ngayon, trabaho ka muna bago kita pautang."

Walang nagawa si Melvin at umuwi sa bahay nilang squatter area, naisip nyang mangutang sya sa mga kaibigan at kapitbahay kahit barya barya lang, pag pinag sama sama ay makakalikom sya.Ngunit pagdating nya doon ay walang nag pautang sa kanya dahil wala ring pera ang mga kapitbahay nya.

"Pasensya na walang walang talaga ako." sabi ng mga kapitbahay.

Nanlumo si Melvin at umuwi ng kanilang dampa at nag isip,.
Kumuha ng baso si Melvin at nilagyan nya ng tubig galing sa gripo at ininom.

"Ano ang aking gagawin? Baka kung ano mangyari kay JP?"

Malungkot na sabi ni Melvin.
......
Samantala nagmamaneho si Daniel at pupuntahan nya ang dampa nila Melvin, hawak nya ang papel na binigay sa kanya ni melina bago sila umalis nung dinalaw sya ng mga ito..hindi pa sya nakakapunta doon, matao sa lugar, nag tanong tanong sya sa mga nadadaanan nyang mga tao hangga't nakarating sya sa address na iyon.

Pinarada nya ang kanyang sasakyan sa isang kanto na may tabi tabing maliliit na mga tindahan. Maraming tao sa area na iyon at pinagtinginan ang magara nyang sasakyan.

At ng sya ay bumaba ay namangha ang lahat sa taglay nitong kakisigan.

"Sino sya,? ang gandang lalaki naman, at ang yaman." Sabi ng isang babae na nasa tapat ng tindahan, lahat ay nakatingin kay Daniel, at ng lalapit si Daniel sa kanila ay mahiya hiya ang babaeng una nyang nilapitan.

"Miss maaari bang magtanong?"

"Oo naman." nakangiting sabi ng babae.

"Saan dito nakatira si Melvin Espinosa?"

"Si Melvin?.....a.., doon sa dampa na yon?" Nakangiting sabi ng babae.

Napatingin si Daniel sa dampa nila Melvin at Melina, naawa sya ng nakita nya ang bahay nila,

"Salamat sa inyo." nakangiting sabi ni Daniel..

"Wala pong anuman." sabi ng babae habang nakatulala kay Daniel,

Ng lalapitan ni Daniel ang dampa nila Melvin ay pinag uusapan sya ng mga taong nakakita sa kanya.

"Bakit kaya nya hinahanap si Melvin,? Nakakapagtaka naman?" Sabi ng tindera ng tindahan.

Nakatingin pa din ang mga tao kay Daniel at nakita nilang kumatok ng pinto ito.
Habang umiinom ng tubig si Melvin ay narinig nya ang katok.

Tok Tok Tok..

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon