Chapter 25

2.5K 64 1
                                    


Kabilugan ng buwan.....

Nung gabing iyon ay nag iimpake na si Daniel paalis ng bahay ni Olivia, ayaw na nyang madamay ito sa anumang mangyayari sa kanya, dahil magaganap na ang kabilugan ng buwan sa gabing iyon.
"Daniel, utang na loob huwag kang umalis!"

Binigyan nya ng malaking pera si Olivia..

"Hindi ko to kailangan Daniel, ikaw ang kailangan ko huwag mo akong iwan!"

"Patawad Olivia kailangan ko ng umalis."

Nag iiyak si Olivia ngunit hindi nya napigilang umalis si Daniel.

Nang naka alis si Daniel ay naiwan si Olivia na masamang masama ang loob, at dumating si Elmer..

Kinilabutan ito ng makita nya ang mga balat ni Olivia.

"Besti bakit nagkakaganyan ang balat mo?"

"Hindi ko alam hindi ko alam huhuhu! Daniel!"

"Huwag ka ng umiyak, hindi mo masisisi si Daniel, lalaki lamang sya at hindi mo naman sya kasintahan noong una pa lang, inakit mo lamang sya kaya naging kayo. Sana nauunawaan mo!"

"Pero mahal na mahal ko sya huhuhu!" Umiiyak na sabi nito.

"Besti lilipas din yang nararamdaman mo."

"Hindi na ! wala na akong ibang hahanapin pa kundi si Daniel lamang huhuhu!"
....
Habang naglalakad si Daniel papunta sa kanyang sasakyan na nakapark sa may kanto ay nakasalubong nya si Vina, may mga butlig na rin sa katawan ito.

"Kuya Daniel, isama mo na ako please, mahal na mahal kita " umiiyak na sabi ni Vina at mahigpit itong nakahawak sa mga braso ni Daniel.

Walang magawa si Daniel, kailangan na nyang umalis.

"Sorry Vina, kailangan ko ng umalis." binigyan nya ng pera si Vina.
"Ikaw ang kailangan ko huhuhu!"

Binitawan nya si Vina at sumakay ng kanyang magarang sasakyan.
...........
Nakalipat na si Daniel sa bago nyang magandang suite na penthouse.

Nahiga sya sa kama at tumingin sa salamin.

"Napakabilis ng pag babago ng aking bunay mula ng ginamit ko ang mga benditas, at hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala, ngunit bakit nagkakaganon sa katawan si Olivia at Vina? hindi ko naman sila ginagamitan ng enigma, walang ibang gumagawa nito kundi si Kasandra?! "

Naalala nya si Belle..

"Kailangan kong ingatan na hindi mahaplos ng ibang babae ang aking mga balat, lalong lalo na si Belle, ayokong magaya sya kay Olivia, kung alam ko lang una pa lang na magkakaganon ang kanilang balat ay hindi ako nag patukso kina Olivia at Vina, bakit nagawa kong matukso sa kanila? Ilang dekada na akong hindi nakakatikim ng pag ibig, marahil ay nasabik ako kaya di ko napigilan ang aking sarili, ngunit tinukso nila ako"

Binasa nyang muli ang libro.Ang enigma ay nakakapag papangit ng mga balat, sa umpisa ay may tutubo na butlig at unti unting dadami ito sa paglipas ng mga araw, at pag nagtagal ay mangingitim ito at mangungulubot na kagaya ng balat ng puno

"Kagaya ng balat ng puno? Ano pa kaya mangyayari? "

Tiningnan nya ulit ang libro ngunit walang nakasulat tungkol doon,
Sumilip sa bintana si Daniel at malapit ng bumilog ang buwan sa gabing iyon.
Umiinom si Daniel ng alak mag isa sa kanyang suite.Kinakabahan si Daniel sa anoman ang mangyayari sa kanya ng gabi na iyon.

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon