Chapter 40

2K 76 0
                                    

Nagpunta sya ng Banyo at pinuno nya ng tubig ang bath tub.
At hinintay nyang mapuno ito.
At ng napuno na ito ay nilagay nya ang huling talutot ng benditas,
at ng napuno ang bath tub ay naramdaman ni Daniel na iyon ang kanyang tadhana na mapunta sa kanya ang huling talutot nito.

Inilubog ni Daniel ang kanyang katawan hanggang ilalim ng bath tub, habang nakalubog ito ay biglang nabanaag nya ang estatwa ni Kasandra na nakatingin sa kanya.

Iniahon nya agad ang kanyang mukha at biglang nawala ito.
Tumingin sya sa paligid ngunit tahimik..

At lumubog ulit sya sa tubig...Nagtagal pa ng ilang minuto sa bath tub si Daniel at matapos nito ay sya ay umahon,

Pagharap nya ng salamin ay nagbalik na ang kanyang kaguwapuhan at kakisigan, matitipunong pangangatawan at malasutlang balat na walang katulad, ngunit bumabalakid pa din sa isip ni Daniel na ang babaeng makakahaplos ay iibig sa kanya ng wagas.

At nais nyang kay Belle lamang ito ipahaplos dahil sigurado na syang mamahalin din nya ito ng wagas.Ngunit kailangan na munang mawala si Kasandra,

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon