Chapter 33

2.3K 74 1
                                    


Daniel?!" Masamang loob na sabi nito.

Nahinto sila sa kanilang ginagawa at napatingin kay Belle..

" Belle?!" Nagulat na sabi ni Daniel..

Biglang umalis si Belle ng masama ang loob,

"Belle sandali lang, magpapaliwanang ako." sabi ni Daniel.

Tuloy pa din tumakbo si Belle at sumakay ng elevator at pagbukas ng elevator ay umiiyak itong papalabas ng condo.

Maya maya ay bumukas naman ang kabilang elevator..
Hinahabol sya ni Daniel at hinahabol naman ni Almira si Daniel.
Nakita sila ng mga kasamahan sa trabaho pati na rin ni Melvin at Ingrid.
Hindi naabutan ni Daniel si Belle.

"Daniel, ako na lang ang mahalin mo?" Sabi ni Almira sa kanya at niyakap sya nito..

"Si Belle ang mahal ko.

"Mahal kita Daniel huwag mo kong iiwan" sabi nito habang nakahawak ito sa mga bisig ni Daniel. Binitawan sya ni Daniel at sumakay ng elevator paakyat, umalis na naghihinagpis si Almira.

Samantala pag dating ni Belle sa kanyang boutique, naabutan nya sina Elmer, Vicky at brenda na nag papalamig sa kanyang opisina.

"Ang bilis mo naman akala ko magtatagal ka pa, mabuti at nandito ka na." sabi ni Elmer.

"Bakit parang namumugto mata mo, umiyak ka ba?" Sabi ni brenda

"Nakita ko si Almira at Daniel naghahalikan" at di na nya napigilang maluha

Sabay nagulat sila sa sinabi nito.

"Papano nangyari yon my gosh! "Sabi ni Vicky.

Umiiyak sa sobrang sama ng loob si Belle..

"Teka, kayo na ba ni Daniel?" Tanong ni Brenda sa kanya ngunit di makakibo si Belle..

" Tinatanong kita, kayo na ba ni Daniel at ganyan na lang ang nararamdaman mo?"

"Hindi."

"Hindi naman pala eh, o bakit ka nasasaktan?"sabi ni Vicky

"Basta nasasaktan ako, mahal ko sya, nung sinabi ko sa kanya na sinasagot ko na sya ng 'Oo' ay nakita ko kung gaano sya kasaya non , pero sabi nya hindi daw muna maaari, di ko mantindihan kung bakit pero mahal ko si Daniel."

"Sinasabi nyang gusto ka din nya? At gusto mo din sya e di kayo na kung ganon?"sabi ni Elmer.

"Pero?"

"Ano?"

"Gaya ng sabi ko sa inyo hanggang ngayon ay hindi ko pa sya nahahawakan, kahit ang kamay nya , hindi ko sya nahahalikan, samantalang yung Almira na yon kitang kita ko naghahalikan silang dalawa"."

"Naku napakasakit nga nun." sabi ni Vicky.

"Nakakalito naman mga sinasabi mo Belle, nagkakagustuhan kayo pero walang nangyayari sa inyo, kahit halikan wala! my gosh, e bakit kay Almira isang iglap lang."

"Kaya nga naiinis ako kay Daniel, kung alam lang nya gustong gusto ko syang mayakap at mahalikan pero lagi na lamang syang umiiwas, pero kay Almira huhuhu!" Naiiyak na sabi ni Belle.

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon