I

6.7K 138 14
                                    

Shimmer and Glimmer. That is how my life could be described in two words.

It is always bright and shiny due to the spotlights I'd been receiveng anywhere I go. The light streaks coming from cameras whether or not I am aware of it and of course my over whelming popularity among all.

" Good job everyone! " I tore my smile off from the camera as the visual manager clapped his hands as a cue that we're done for today.

Sa wakas at natapos na din ang huling schedule ko for this month at makakauwi na rin sa bahay sa Subic. Ito na din ang huling shoot ko para sa summer issue ng Magazine kung saan magiging cover ako, meaning I have a long time to rest with my family and leave my hectic life for a while.

" Okay pack up na tayo " I heard one of the assistant managers here shouted among the staffs.

Umalis na ako sa platform kung saan nag pose ako para sa shooting nitong magazine at lumapit na kay Kiara, ang personal assistant ko para makapag ayos na at makaalis na rin.

" Si Kean? " Tanong ko agad sakanya nang mapansing wala sa paligid ang manager ko.

" Ah umalis kanina eh. May kausap sa phone. Pero malamang na pabalik na din yun " saad nya at sinimulan na akong tulungan tanggalin ang lahat ng make up at accessories ko.

I wonder where my manager went. Hindi naman iyon aalis ng hindi tanaw at wala man lang iniiwang pasabi kay Kiara.

Habang busy si Kiara sa pagaayos ng gamit ko ay lumapit sa akin ang isa sa dalawang bodyguard na dala ko.

" Ma'am may nagpapaabot po " tumaas ang kilay ko sa hawak na bouquet ng bodyguard ko.

" Kanino galing? " tanong kong nakataas pa rin ang kilay at mariing tinititigan ang mga bulaklak.

" May delivery boy lang pong nagabot kanina, ipinadala daw. Hindi naman po kayo maabala sa pagshoshoot kanina kaya sa akin po muna iniwan. Wala pong nasabing pangalan kung kanino galing"

Tinanggap ko iyon at tumango nalang sa bodyguard upang iparating na pwede na sya bumalik sa standby position nya kanina.

Weird. Why would someone give a bouquet for me in a shoot? Wala naman ako sa isang fashion event or live broadcast, meaning none of my fans knew my schedule and location today. Only the management team and us are here. Imposibleng ang management naman ang nagbigay nito dahil pwede naman nila iabot sa akin ng diretso at bakit pa anonymous pang pinaabot sa bodyguard ko.

Ipinagkibit balikat ko nalamang yun at hindi na pinroblema pa. Well, I am pretty popular so bakit pa ba ako masosorpresa. Maybe just one of my die hard fan or so.

Ibinaba ko nalamang iyon sa vanity table dahil wala din naman akong makitang note o anumang clue kung kanino galing. I am used to receiving flowers and gifts so this doesn't excite me anymore.

" Oh my gosh! " nagulat ako ng biglang hiklatin ni Kiara ang bouquet na nakalapag sa vanity table.

" Kanino galing ito? " manghang tanong nya na akala mo nakahukay ng perlas sa gitna ng karagatan.

Iniinspeksyon nyang mabuti ang bouquet at pumirmi sa balot nito.

" Hindi ko alam. Bakit? First time mo makakita ng bouquet?" sarkastiko kong tanong sakanya.

Matagal ko na syang P.A at tinuring na ring close na kaibigan kaya alam kong hindi na bago sakanya makakita ng ganyang kagagandang set up ng bouquet. Kaya hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon nya at parang manghang mangha sya.

" Pahiram ha. Picturan ko lang " paalam nya bago kinuha ang sariling phone sa bag nya at nagselfie kasama ng bouquet.

" Ano bang meron dyan? Para kang tanga! Hayaan mo mamaya dadaan tayong flowershop at bibilhan kita ng isang damakmak " irap ko sakanya at hinayaan nalang sya sa gusto nyang gawin.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon