XII

1.7K 41 4
                                    

I acted naturally the following day. Alam kong may nakasunod at nagmamasid sa bawat galaw ko kaya hindi ako gumagawa ng kahit ano mang kahinahinalang kilos na magbibigay ideya sa kanila ng pinaplano ko.

I attended some of my shoots and catwalks like the usual. Nagawa ko pang magpainterview para sa isang sikat na local magazine at magjudge ng isang runway show. I don't know if what I'm doing is a good act or should I be nervous because nothing strange happened this past few days.

Walang kahit anong paramdam na magsisilbing paalala para sa magaganap sa huling linggo ng buwan na ito. Hindi ko alam kung nasanay nalang ba talaga ako sa gulo kaya feeling ko ay kakaibang normal ang lahat ngayon. Absolutely no sign from the beast and his evil family.

Pero kahit ganon ay ayaw ko pa rin pakampante kaya patuloy akong nagiingat sa mga sumunod na araw, pati ang pagtawag ko sa pamilya ko ay iniiwasan kong banggitin ang tungkol doon na siguro ay nahalata nila at mukhang iniiwasan din nila. Like I said, ayokong may madamay sa gagawin ko lalo na ang pamilya ko.

" Sigurado ka na ba dito Brielle? Hindi kaya lalo kang mapahamak sa gagawin mo?" tumango ako kay Kean kahit ilang beses nya na akong tinanong sa bagay na to.

Kean is the only person I talked about this. Dahil kakailanganin ko ang tulong nya. I made sure na hindi sya mapapahamak sa gagawin ko at wala syang magiging kasalanan dahil kagustuhan ko naman lahat ito at kung makakarating man ito sa hayop na lalaking iyon, sinisiguro kong hindi nya makakanti si Kean. I am asking for Kean's help as his employer not as a friend here, so Kean won't be responsible for anything.

" Naiayos ko na ang lahat ng sched mo. Tatapusin mo lahat ng kaya mong tapusin ngayon, then yung iba ihahalt natin bago ako magbibigay ng facade para mag lead into your career's ... hiatus " malungkot ang tinig ni Kean ng sabihin sa akin ang mga detalye.

Like him, I am sad too about this. I love my career here as a model and being the face of Filipina Beauty for International Fashion Shows is such an honor, but as I told myself a hundred times, I need to sacrife.

" What if magtagal Brielle? What if a year and more hindi mo parin ito nasusolusyunan?"

"Don't worry Kean, masosolve ko tong problema ko " saad ko sakanya bago ngumiti.

I'm trying to assure him that everything will be fine, ngunit kahit ako ay hindi sigurado doon.

Nang sumunod na mga araw ay tinapos ko na lahat ng kaya kong tapusin, kahit yung mga proyekto na dapat ay sa mga susunod na buwan pa ay ginawa ko na. I also need the fund bukod sa ipon ko in order to survive.

" Brielle bakit mo ba iniexhaust ang sarili mo sa pagtatrabaho? May problema ba? " nagkatinginan kami ni Kean sa tanong sakin ni Kiara.

Kiara doesn't know what I am planning to do. Si Kean lang ang pinagsabihan ko dahil kailangang kailangan ko ng tulong nito, and Kiara is really fond of panicking and a big fan of anxiety that's why I didn't tried to tell her at all.

" I'm planning to audition in International runways such as Forbes and Victoria's Angel " I smiled and looked away.

Nanlaki ang mata nya at tila ba mangha na mangha sa sinabi ko. Guilt crept into my sytem.

" Talaga? Oh my! Pangarap mo nga yan diba? Sige susuportahan ka namin! "

Napabuntong hininga ako nang mapaniwala sya. She's aware of my dream to be one of those models kaya siguro ay hindi na sya magtataka kung yun man ang gagawin kong alibi. I just hope that she'll forgive and understand me once she already finds out.

" Kiara pakipuntahan mo na muna yung pinaasikaso ko kay Tess sa production please? Kailangan ko na kasi mareview yun "

Napatingin ako kay Kean ng inutusan nya si Kiara umalis. I know that he'll tell me something that's why he asked Kiara to leave.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon