I am very determined to talk to him. Because as I've said, walang hindi madadaan sa matinong usapan.
I will sincerely talk to him. To free us, to free me.
Hindi dahil nalaman ko na lahat at ang totoong dahilan ng pilit na pagpapakasal ay susuko na ako at hahayaan nalamang iyon. I need to talk to him at kung maaari ay bigyan kami ng ibang paraan para makabayad sa lahat ng pagkakautang sakanya. Huwag lang ang pagpapakasal. Huwag lang ako.
Ayokong maitali sa taong hindi ko naman kilala kundi ang katotohanang kampon sya ng mga demonyo. He's bad, he's cruel. I won't let myself be imprisoned by a sacred vow to hell.
Pero halos gawin ko na lahat ang paraan para makausap sya at hanggang ngayon ay wala pa rin. I know he's just around, or someone is around, watching me and reporting everything to him. Sigurado ako doon dahil noong mga nakaraan nga ay halos alam nya ang lahat ng nangyayari sa akin tapos ngayon ay biglang wala nalang sya bigla? Kung kelan kailangan ko syang makita at makausap.
Malamang ay alam nya ang pakay ko. That I want him to let me go. Kaya ngayon ay pahirapan para makausap sya.
I asked my dad where can I find them but he said he don't know. The Vercetti's are the one who's calling them whenever they need something from us and not the other way around. Kinuha ko ang lahat ng email address, phone and telephone numbers na galing sakanila ngunit lahat iyon ay parang hindi na ginagamit.
Nakakatawa man pero nagdrive ako kanina sa isang hindi mataong lugar at sumigaw mag'isa na magpakita sya at magusap kaming dalawa dahil positibo talaga akong may mga mata at tenga syang nakasunod sa akin. But even that didn't work.
Now, I'm clueless. Paano ko ba kasi sya makakausap?
Nagdadrive ako ngayon sa kahabaan ng EDSA pabalik sa condo dahil bukas ay may trabaho na ako at hindi din ako nagpaalam kila Kean kaya paniguradong magagalit sila pag nalaman nilang umalis ako ng walang pasabi.
Mabagal ang takbo ng mga sasakyan dahil as usual, ano pa ba ang aasahan? Traffic! Lagi namang ganito dito, na dumadagdag pa sa frustrations ko.
Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may kumatok sa bintana ng driver's seat kung nasaan ako. May batang kumakatok doon at inilalahad ang palad kahit palagay ko ay hindi naman nya ako nakikita dito sa loob.
Ibinaba ko ang bintana at ang gulat na ekspresyon ng mga mata nya ang tumambad sa akin.
" Ikaw yung babae don oh! " excited na itinuro ng bata ang billboard na nasa isang mataas na building sa gilid ng kalsada.
Natawa ako sa naging reaksyon nya. It was a billboard of me endorsing a clothing line. Umiling nalamang ako at nangingisi nang abutin ko ang purse ko sa passenger seat.
Nagabot ako sakanya ng three thousand peso bill dahil five thousand lang ang dalang cash ko at cards na ang iba. Hindi ko naman maibigay ang buong five thousand dahil baka magka aberya ako at walang matirang cash sa akin.
" Wow ate. Ang dami! Marami akong mabibiling pagkain nito " I saw how his face lit up with the amount of money I gave him.
I smiled with that. It warmed my heart, and how can a little amount of money can bring pure joy to someone's heart.
" Maraming salamat ate! Ang ganda mo na ang bait mo pa. Para ka tuloy anghel. Sana madaming kagaya mo! "
Lalo akong natawa sa sinabi ng bata. He knows how to use such words. An angel? Not bad.
Tumakbo na ang bata paalis kaya't sinundan ko nalamang sya ng tingin ng may ngiti sa mga labi, ngunit unti unti ding nabura ang aking ngiti ng mapansin ko ang kanyang isang kamay. I mean braso, dahil wala syang isang kamay. Putol iyon, marahil ay kapansanan mula noong ipinanganak sya o kaya ay nasangkot sa isang aksidente.
BINABASA MO ANG
CAPTURED
RomanceSerenity Brielle Quinzel is the definition of beauty and independence. She is one of the most awaited model of her generation and also a woman who screams power and elegance. She believes that she's the one who's in control of her life and absolutel...