" Wow, I should travel more here in the Philippines " puna ko paglapag ng eroplanong sinasakyan namin dito sa Cebu.
Mamaya ang race ni Alexander na pinangako kong pupuntahan ngunit ngayong umaga palamang ay lumipad na kami patungo dito ni Kiara. Hindi namin naisama si Kean dahil masyado syang madaming inaasikaso sa isang agency company kung saan sya kasosyo.
" Dumiretso muna tayo sa hotel kung saan nagbook ako bago tayo maglibot" paalala sa akin ni Kiara nang mapansin nyang namangha ako sa lugar.
Sumakay na kami sasakyang nakaabang sa amin para dalhin kami sa hotel na hindi naman kalayuan sa airport na pinaglapagan namin.
" Ipinaalam mo na ba kay Alexander Clarke na nandito ka na ngayon sa Cebu? " napabuntong hininga ako sa tanong ni Kiara pagkarating sa suite namin dito sa hotel.
Umiling ako sakanya bago hinubad ang heels na suot ko at humiga na sa kama. I told him na mamayang hapon pa ang flight ko patungo dito. Alas dyis pa mamayang gabi ang karera nya kaya't sinabi ko na duon na lamang mismo magkita. He insisted to pick me up from Manila or from the airport but I refused. Hindi ko pa rin kasi mawala sa isip ko ang galit ni papa tungkol dito kahit isang linggo na halos ang nakaraan mula ng mangyari iyon sa condo ko.
Galit pa din ako dahil nagawa nya akong saktan at napagtanto kong siguro nga ay mas mahalaga talaga sakanya ang impluwensya ng pamilyang iyon kesa sa sariling anak nya. I never dared to communicate to any of them after what happened. Hindi na rin naman ako pinakielaman o kinamusta pa, marahil ay itinatakwil na nila ako bilang anak dahil hindi ko nagawang magampanan ang tungkulin sakanila. Ang ipambayad sa utang nila.
" I'll take a quick shower bago tayo mag stroll" paalam ko kay Kiara na nag aayos ng maleta.
Pinalagaslas ko ang shower sa hubad kong katawan at dinamdam ang ligamgam ng tubig. I wonder what are the great places here in Cebu, I'd never been here dahil madalas sa ibang bansa ang proyekto ko at doon na din ako naglilibot.
Habang nagmumunimuni ay nakarinig ako ng katok sa pintuan ng bathroom. Pinatay ko muna ang shower para marinig ang kung ano mang sinasabi ni Kiara sa labas.
" Brielle! Zaidee's calling " sigaw nya mula sa labas.
Si Zaidee? Ang kapatid ko? Don't tell me pati si Zaidee ay gagamitin nila sa panghihimok sakin.
Umiling nalamang ako at inabot ang bathrobe bago lumabas para tanggapin ang phone na inabot naman agad ni Kiara paglabas ko.
" Ate? " napakunot ang noo ko ng marinig ang basag na boses ng kapatid. Umiiyak sya?
" What's the matter Zaidee? " bakas ang pag aalala ko para sa kapatid.
" Ate please bumalik ka na dito ate, we're not safe, you're not safe " nanginginig ang boses ni Zaidee.
Bumuntong hininga ako. Ano nanaman ito? Talaga bang pati si Zaidee ay ginagamit na nila.
" Zaidee please. I don't want you involve here, huwag kang makikinig kila dad dahil ginagamit ka lang nila para pasunurin ako sa gusto nila okay? Just ignore them " I exhaled and rolled my eyes imagining that my parents are silently listening at the line.
" No ate. They don't want me involve too. Kaso kanina may dumating na mga nakakatakot na tao dito sa bahay tapos may isang lalaking galit na galit kay papa, nagkagulo dito tapos ..."
Tapos??
Natahimik ako sa sinabi ni Zaidee. May pumuntang nakakatakot na mga tao sa bahay? Probably goons.
" Binali yung kanang kamay ni papa "
" WHAT?! " hindi ko alam kung ano itatanong at sasabihin kay Zaidee sa ipinaalam nya sa akin.
BINABASA MO ANG
CAPTURED
RomanceSerenity Brielle Quinzel is the definition of beauty and independence. She is one of the most awaited model of her generation and also a woman who screams power and elegance. She believes that she's the one who's in control of her life and absolutel...