Ngarag na ngarag akong gumising kinabukasan dahil halos hindi ako nakatulog kagabi. Kaius' words keep on playing in my head. Ginugulo nila ang utak ko kahit anong pilit kong wasiwas dito.
Ano ba yan Brielle! Bakit ka naapektuhan? Don't take it seriously ano ka ba?!
Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. If ever his words are true, then that's unfair! I won't benefit on that! But I doubt that. Lalo na sa pangatlong option. Love him for the rest of my life? Why would he ask me to love him? Mahal nya ba talaga ako? But how? Hindi nya ako pwedeng mahalin dahil hindi naman namin lubusang kilala ang isa't isa at kung sakali mang totoong kilala nya na ako. What makes him love me then? Hindi pa naman kami nagkakasama ng matagal, at kung magkasama man kami ay panay bangayan lang.
Hayst! Bakit ko ba kasi pinoproblema ang lahat ng ito? Sumasakit ang ulo ko eh.
I took a quick shower to ease the bothering thoughts I have pero habang sinusuklay ko ang buhok ay napansin kong may kulang sa akin. Shit! Nasaan na yun?
Bumalik ako sa kama sa pag-asang baka nahulog lamang habang natutulog ako pero wala din don.
Shit! Yung bracelet na bigay ni Papa.
Nilibot ko ang buong kwarto at nang hindi nagtagal ay tinawag ko na si Yumi at limang kasambahay upang maghanap pero wala padin. Ipinarating na din kay Ginang Rosetta ang problema ko at ipinahahanap na sa buong Chateu pero sa lawak nitong Chateau ay feeling ko nawala na talaga iyon.
Ohmy! If that's an ordinary bracelet then I'll let it pass. Pero hindi eh, that bracelet is the only gift I received from my father on my 18th birthday. Madalas ay puro pera lamang o hindi kaya ay binibili nya lang kung anong gusto ko tuwing may okasyon dahil hindi sya nageeffort magregalo kahit kailan. Tanging noong debut ko lamang kaya sobrang halaga para sa akin non. I can't afford to lose it.
" Milady kelan nyo po bang huling nakitang suot nyo? " nahinto ako sa paghahanap nang tanungin ako ni Yumi.
Kelan nga ba? Nagisip ako at halos mapatalon ng maalala.
" Sa barko. Nagtitingin ako ng relo kahapon kaya napansin ko pang suot ko yun dun "
Tama! Baka nga doon ko nawala yon. Pano yan? Saan ko hahagilapin yung barko?
" Nandito ba si Kaius ngayon Yumi? " tanong ko sakanya pero umiling lamang sya.
" May inasikaso po sa organisasyon ngunit ibinilin nyang sabay po kayo maghahapunan"
Tumango nalang ako at halos mawalan na ng pag asa. Diba sabi nya binili nya yun? Hindi kaya nandito pa yun?
Agad agad akong bumaba sa bulwagan at dumiretso na palabas ng Chateau. Hala! Oo alam kong tinatanggihan ko iyon kagabi pero sana binili nya talaga iyon. Shit naman kasi Brielle! Napaka careless.
" Milady saan po kayo pupunta? " tanong nang humahabol sa aking si Yumi pero binalewala ko na yun.
Halos magpasalamat ako sa lahat ng santo nang matanaw ang barkong nandoon pa din sa kinalalagyan nya kagabi.
Eh pano ko naman yun mapupuntahan? Luminga linga ako sa paligid at napansin ang mga mercenaries na alertong nakamatyag sa aking paligid. Siguro ang akala nila ay tatakas ako. Tsk!
Lumapit ako sa isa sakanila na namukhaan kong kasama namin kahapon sa yate na nasa ilalim ng puno ng niyog.
" Kuya diba kasama ka namin kagabi sa Yate? Pwede po bang favor? Gusto ko po kasing pumunta doon eh kaso wala po akong sasakyan " turo ko sa barko sa malayo.
" Magshashopping po ba kayo ulit Milady? "
" Ah hindi po. Nawawala kasi yung bracelet ko eh. Importante sa akin kaya kailangan kong mahanap "
BINABASA MO ANG
CAPTURED
RomanceSerenity Brielle Quinzel is the definition of beauty and independence. She is one of the most awaited model of her generation and also a woman who screams power and elegance. She believes that she's the one who's in control of her life and absolutel...