Weeks had passed and I became busy due to my hectic schedule. Next week na kasi ang big fashion summit na gaganapin sa Milan, Italy kaya't puspusan na ang paghahanda.
We're in London since yesterday dahil nagshoot ng ilang kailangang clips na ipepresent sa fashion summit at next week nga ay lilipad na kami papuntang Italya.
I'll be modelling three big brands at the same event; Chanel, Dior and Michael Kors kaya halos pigang piga na ako ng dalawang magkasunod na linggo.
My phone suddenly rings habang nasa rehearsals kami kasama ang ibang mga modelo pero tapos naman na ang rampa ko kaya nasagot ko ang tawag.
" Hey! " bati ko nang sagutin ko ito.
" Are you busy? " he asked, rinig ko ang pag aalangan doon.
" Ahm medyo. " saad ko kahit pa kulang ang salitang busy sa sobrang sunod sunod ng scheds ko.
" I'm outside your building .. do you have time to grab a coffee? " he asked na ikinagulat ko.
He told me via message that he's in Spain for some business affairs this morning yet right now he's here in London? Don't tell me lumipad sya mula Espanya para lang magkape kasama ko.
" I miss you " he added that made me melt.
Lumingon ako sa paligid para mahanap si Kean at magpaalam saglit ngunit may lumapit sa aking isang stylist.
" Mrs. Ruzette asks for you in her styling room Ms. Quinzel " saad nito sa akin na nakapag pakagat ng labi ko.
Umalis din naman agad ang babae pero ako ay hindi mapakali na hawak parin ang phone sa tenga.
" Ahmmm .. " I stuttered finding for words. Anong sasabihin ko.
" I understand .. you're busy. I'll be in a near coffee shop Mia Belle, I'll wait for your free time " he said in a low voice with a little bit of disappointment on it.
Naguilty ako nang marinig iyon ngunit nakita kong sinesenyasan na din ako ni Kean mula sa malayo.
" Sige Kaius. Baka saglit lang to. Magpapaalam din agad ako " saad ko bago ibinaba ang tawag at tumakbo na papuntang styling room.
It's been like that for the past two weeks. Hindi kami makapagkita kahit ilang beses nyang tinangka. He can't just stay with me because of course .. he has businesses and we can't be seen together because he's the most talked bachelor in the world.
Lagi lang kaming nagtatawagan pero madalas ay hindi iyon tumatagal kahit dalawang minuto dahil kung hindi may ginagawa ako sa pagmodelo ay tulog naman ako dahil kailangan ko ng pahinga.
I really miss him .. baka kapag binigyan kami ng break matapos ang summit na ito ay yayain ko syang magbakasyon.
Agad na akong dumiretso sa styling room dahil ang alam ko ay may susubukang ilang palette ng make up sa mga models para makita kung anong look ang babagay sa damit na imomodelo namin.
Pagpasok ay nandoon na ang ilang mga kasamahan kong modelo kaya umupo na rin ako sa vanity na nakalaan para sa akin. Agad akong inasikaso ng ilang mga make up artist at sa likod ko ay si Kean at Kiara na nakikipagusap sa ilang head staffs.
It's been like that for hours. Magbibigay ng look ang directors then gagayahin ng stylists. Ipapacheck, then titingnan kung maapprove at kung hindi ay papalitan ng look at uulit nanaman sa pagmemake up. Kumplikado ang bawat ayos at kadalasan ay tumatagal ng isang oras o dalawa para lang maachieve ang isang look kaya't ilang oras akong nakaupo sa vanity table at inaayusan habang may nagdidiscuss sa likod namin na staff tungkol sa iba't ibang magaganap sa fashion week next week bago ang main event.
BINABASA MO ANG
CAPTURED
RomanceSerenity Brielle Quinzel is the definition of beauty and independence. She is one of the most awaited model of her generation and also a woman who screams power and elegance. She believes that she's the one who's in control of her life and absolutel...